Tito, Vic & Joey at Vice Ganda, magkita kaya sa closing night ng 3rd Philippine Film Industry Month?

FDCP Chair Tirso Cruz III, sisiguraduhing dadalo ang karamihan ng awardees.
by PEP Troika
Sep 17, 2023
tirso cruz III tvj vice ganda
FDCP Chair Tirso Cruz III (left) when asked if TVJ (right, top) and Vice Ganda (right, bottom) will attend the closing ceremony of the 3rd Philippine Film Industry Month: “Kaya nga kinuha nating awardees, dahil hindi ba, everybody wants a piece of them?! Everybody wants to get them for a job, or for a project. So we’re trying to clear their schedules para makarating sila…"
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA:

Pagpupugayan sina Dolphy, Michael V, Eugene Domingo, Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, at Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon (TVJ) sa closing ceremony ng 3rd Philippine Film Industry Month (PFIM) sa Setyembre 29, 2023, sa Acacia Hotel Manila sa Alabang, Muntinlupa City.

“Tuloy Pa Rin Ang Tawanan” ang tema ng month-long celebration, kung saan punong abala ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Read: Dolphy, Michael V, Vice, Ai-Ai, Eugene to be honored at 3rd Philippine Film Industry Month

Read: Tito, Vic & Joey kabilang sa comedians na pararangalan sa 3rd Film Industry Month

Nasa Italy si Uge, at nasa USA si Ai-Ai, kaya magbi-video message lang sila.

Si Bitoy, kumpirmadong dadalo.

Kumpirmado rin bang a-attend si Vice ng It’s Showtime, at ang TVJ ng E.A.T.?

“Secret!” natawang tugon ni FDCP Chairperson Tirso Cruz III sa Gala Night ng 3rd PFIM nitong Setyembre 16, Sabado, sa Teatrino, Promenade Greenhills, San Juan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Secret but magiging masaya ang closing night. The main target of the Philippine Film Industry Month is to bring happiness and joy and surprises sa mga events pa nating naka-line up.”

Naipadala na ba nila ang mga paanyaya?

Tumango si Chair Tirso, “Na-send na ang lahat ng invites of course. I mean, hindi puwedeng hindi namin i-send yun.

“Hindi lang naman yung mga gusto nating i-honor. Even yung mga ibang stars, inimbita natin.

“It’s a celebration of the industry, so kahit iyong ibang mga kaibigan nating artista, inimbitahan din natin.

“Pero alam mo naman sa trabaho natin, kung minsan natatapat na may unavoidable na commitment yan.

“And I don’t want to be unprofessional naman sila. Siyempre kapag naka-commit ka…

“Pero iyong iba na nagpasabi, nag-commit na.”

tirso cruz III film industry month

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipa-follow up daw nila iyong awardees para dumalo sa closing ceremony ng 3rd PFIM.

“Kaya nga kinuha nating awardees, dahil hindi ba, everybody wants a piece of them?!” bulalas ni Chair Tirso.

“Everybody wants to get them for a job, or for a project. So we’re trying to clear their schedules para makarating sila…

“Basta, we’re going to make sure that the closing night will be a fun-filled one, and a very successful one.”

Inusisa rin ang technical consultant ng FDCP na si Direk Jose Javier Reyes kung darating sina Vice Ganda at TVJ sa closing ceremony ng 3rd PFIM.

“Iyon ang isang malaking katanungan din namin,” sey ni Direk Joey.

NOEL FERRER:

Naku, magandang okasyon ito para magsama-sama ang mga miyembro ng ating industriya para parangalan ang mga Comedy Icons.

Sana, kahit saan mang network, bibihira ang ganitong mga pagtitipon na masaya lang ang lahat, good vibes at walang issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good indicator din na ang aking talent na si Ryan Agoncillo ang tatayong host ng nasabing programa kaya magiging doubly exciting ito.

Aabangan natin ang mga developments ukol dito sa closing ceremony ng Philippine Film Industry Month, “Tuloy Pa Rin Ang Tawanan”!

GORGY RULA:

Mabilis at nakakatuwa iyong invitation-only Gala Night ng 3rd PFIM. Kuwela ang production numbers.

Pambungad na bilang sina Marlo Mortel, Jason Dy, at CJ Navato.

jason dy marlo mortel cj navato film industry month

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpabonggahan sina Frenchie Dy at Katrina Velarde.

frenchie dy katrina velarde film industry monthFrenchie Dy and Katrina Velarde

Nagpaka-movie fan si Bituin Escalante, at kunwari’y kilig-kiligan siya sa mga lodi niyang sina Marlo, Jason, at CJ.

bituin escalante film industry month

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang host na si Robi Domingo, right there and then ay sinabihan si Chair Tirso na kukuning ninong sa kanyang nalalapit na kasal.

robi domingo film industry month

“Inaanak, salamat!” sey ni Tirso nang nasa entablado na para magtalumpati. “I love you, Ninong!” sambit ni Robi.

Sabi ni Chair Tirso, “Noong araw, pag kinukuha akong ninong, sa mga bata. Ngayon, pag kinukuha akong ninong, sa medyo may edad na nang konti saka kasal na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga dumalo sa Gala Night sina Vhong Navarro, Direk Laurice Guillen, Roselle Monteverde, Tess Rances, Rez Cortez, Ina Feleo, Atty. Rochelle Ona, at Dennis Marasigan.

“Nais ko pong bigyan ng pasasalamat ang mga kasama natin sa pagpapaunlad sa minamahal nating industriya ng pelikulang Pilipino,” sambit ni Chair Tirso.

Aniya pa, “Sino ba sa atin ang hindi napasaya ng Pinoy comedy? Gaya ng sabi kanina ng aking inaanak, many film genres come and go, but Pinoy comedy never went away.”

Binanggit ni Chair Tirso ang mga komedyante ng pelikulang Pilipino mula sa lumang kasaysayan hanggang sa modernong panahon ngayon.

Andiyan sina Pugo at Togo, Pugak at Tugak. Ang mga B na sina Bentot, Babalu, at Balot. Ang mga C na sina Canupling, Cachupoy, Chiquito, Chuchi at Chichay.

“Di ba, sa pangalan pa lang, nakakatawa na sila?”

Of course, hindi mawawala sa talaan sina Manuel Conde, Dolphy, Panchito, Palito, Aruray, Nida Blanca, Dely Atay-atayan, Tito, Vic & Joey, Rene Requiestas, Maricel Soriano, Roderick Paulate, Herbert Bautista, Redford White, Niño Muhlach, Andrew E, Willie Nepomuceno, Nova Villa, Tiya Pusit, D’ Bad Bananas (Christopher de Leon, Edgar Mortiz, Jay Ilagan at Johnny Delgado).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa new breed sina Vice Ganda, Michael V, Willie Revillame, Rufa Mae Quinto, Pokwang, Eugene Domingo, at Ai Ai de las Alas.

“Lahat ho sila, may naiambag para sa maski maliit na oras ay malimutan ng mga Pilipino na nanonood sa sinehan ang kanilang mga problema at tumawa muna,” sambit ni Chair Tirso.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chair Tirso Cruz III (left) when asked if TVJ (right, top) and Vice Ganda (right, bottom) will attend the closing ceremony of the 3rd Philippine Film Industry Month: “Kaya nga kinuha nating awardees, dahil hindi ba, everybody wants a piece of them?! Everybody wants to get them for a job, or for a project. So we’re trying to clear their schedules para makarating sila…"
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results