GORGY RULA:
Suportado nina Miguel Tanfelix at Derrick Monasterio ang bagong negosyong binuksan ng kani-kanyang love interest.
Pormal nang binuksan ang bagong branch ng Nailandia Nail Studio and Body Spa sa Il Terrazo sa Tomas Morato, Quezon City, ngayong Linggo, September 16, 2023.
Pag-aari ito ng magkakaibigang Ysabel Ortega, Elle Villanueva, at Sophia Seneron.
Naging close ang tatlong Kapuso stars na ito nang magkasama sila sa Voltes V: Legacy hanggang sa nag-form sila ng isang korporasyon para sa sisimulan nilang negosyo.
Sinimulan muna nila sa nail salon at tiniyak nilang may kasunod pa.
Ang maganda pa rito ay all-out support si Miguel para kay Ysabel, at si Derrick naman para kay Elle.
Hindi napigilang sumigaw ng "I love you!" si Derrick pagkatapos magpasalamat ni Elle sa lahat na mga dumalo.
Kaya nakakantiyawan tuloy si Miguel kung may pa-"I love you" din ba siya pagkatapos magsalita ni Ysabel. Napangiti lang ang Kapuso actor.
Read: Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega grilled about real score between them
Sabi naman ni Miguel, nandiyan lang siya sa lahat ng mga ginagawa ni Ysabel.
"Very supportive lang naman po ako sa lahat na ginagawa ni Ysabel. Halos lahat naman, gusto ko lang happy siya.
"I'm very happy for her and proud ako na na meron siyang ganito. First venture niya ito. Excited ako sa journey nila sa business na ito," pakli ni Miguel.
Nandun din ang mommy ni Ysabel na si Michelle Ortega na natutuwa sa closeness ng kanyang anak kina Elle at Sophia at nabuo nila itong negosyo.
May iba pa raw silang sisimulang negosyo bukod sa nail salon na ito.
Masaya siyempre si Ysabel sa suporta ng kanyang ina, pero na-appreciate daw niya nang husto na laging nandiyan si Miguel na nakaalalay sa kanya.
"It means a lot, of course. Kasi siyempre, in everything naman masaya kung may support system ka. And knowing na my parents are very supportive.
“Even if they were hands up sa akin. Sabi nila, like, 'Ikaw bahala. You navigate on your own.' Pero at the same time, very supportive sila na they're always there.
"And also with Miguel, very supportive din siya sa akin. May mga nights na nagkukuwento ako sa kanya, tapos palagi siyang may words of encouragement and nakita naman din na very supportive siya.
"So, very grateful. Sobrang appreciative ako sa kanya," saad ni Ysabel.
NOEL FERRER:
Si Miguel Tanfelix naman ay may sinimulan na ring negosyo, pero tinamaan ito nang husto nung pandemic, kaya isinara na lang niya.
Gusto lang muna niyang mag-focus ngayon sa kanyang pag-aaral ng Film. Kaya wala muna siyang pinasok na negosyo.
Kung siya ang masusunod, ayaw raw niyang mag-partner sila ni Ysabel sa negosyo.
"Mahirap po kasi... alam mo yun. Baka pagsimulan ng away. So, wala pa sa plano namin na magkaroon ng business together.
"Malay natin baka magkaroon, pero ngayon hindi po namin pinaplano. Kung maiiwasan po, iwasan na lang," sey ni Miguel.
Basta nandiyan lang daw siya para sumuporta kay Ysabel. How sweet!!!
JERRY OLEA:
Si Marian Rivera ay endorser din ng nail salon na ito.
Natuwa raw ang TikTok Queen nang nalaman niyang magbubukas ng isang branch sina Ysabel, Elle, at Sophia.
Matagal na rin palang gusto ni Marian na magbukas ng sarili niyang branch, pero naghahanap pa raw siya ng magandang puwesto.
"She's planning na talaga," bulalas ni Ms. Noreen Divina, may-ari ng nail salon.
"Before nag-apply kami sa Rockwell, pero parang wala pa yatang space.
"But when I told Marian na sina Ysabel, sina Sophia at Elle mag-put up ng Nailandia. Sabi niya, 'Ms. Noreen, hindi pa tapos yung plan ko, ha? Still trying to look for a nice place for me.’
"Sabi ko, 'Yes tuloy pa tayo.’”
Ms. Noreen Divina (second from left) with Sophia, Elle, and Ysabel
Pina-off the record ni Ms. Noreen ang mga pangalan ng iba pang celebrities na meron na ring ganitong branch.
Meron na rin ang isang young actress, pati ang ina ng isang magaling na Kapuso actor, at ang dalawang host ng isang noontime show.