JERRY OLEA:
Hindi pala si Charlie Dizon ang first choice para gumanap na daughter ni Lotlot de Leon sa pelikulang Ang Ina Mo, sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Ayon sa source ng PEP Troika, iyong first choice ay tumanggi dahil ayaw nitong naka-bra at panty lamang sa isang maselang eksena with Rico Barrera.
Ang nasabing aktres ay nasa mid-20s na. Ang huling pelikulang pinagbidahan nito ay ni-release this year, at semplang nang lubos sa takilya.
Ang ipinalit sa kanya ay ang premyadong si Charlie Dizon, na puring-puri ni Direk Joel. Wala itong arte sa mapangahas na eksena!
Kaya hindi naging mabigat kay Rico ang pakikitrabaho sa 27-anyos na si Charlie.
Read: GMA Artist Center talent, original choice para sa role ni Charlie Dizon sa Fan Girl
“Komportable naman,” sambit ni Rico nang makachikahan ko sa storycon ng pelikulang Slay Zone nitong Setyembre 17, 2023, Linggo ng gabi, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.
“Kasi, na-meet ko si Charlie noong 2010 pa. Nakakatuwa noong nagkita kami, actually, sabi ko pa nga, ‘April?’ sabi kong ganun.”
Ang tunay na pangalan ni Charlie ay April Rose Dizon Matienzo.
Pagpapatuloy ni Rico, “Kasi, I used to call her April talaga. And yun, siguro 13 years na ang nakalipas.
“Naalala namin yung dati, may manager pa ako, tapos siya, parang nasa youth-oriented siya na mga ano, alam mo na, sa mga mall.
“Meron siyang sinasalihan, e, one of the judges ako dun. So, nakakatuwa lang, kasi hindi ko alam na siya ang makakatrabaho ko as kapalit ni Miss… [pangalan ng aktres na nasa mid-20s] nga, dahil siya hindi natuloy.”
Read: Rico Barrera, mas malakas na ang loob gumawa ng sexy projects
Kumustang katrabaho ang mga premyadong sina Lotlot at Charlie na napaka-intense daw, lalo pa’t siya ang “pinag-agawan” ng dalawa?
Napangiti si Rico, “Oo kasi medyo… alam mo na, stepfather na barumbado. Which is medyo yung strength ng acting ko, medyo mas ano dun, e.
“Mas higher yung intensity. Mas paborito ko yung ganun. Siyempre, may paborito rin akong karakter.
“Ayun, nakakaasar siya. Tapos inano lang ako dun, parang pinagplanuhan ako kaya nagkaroon kami ng conflict ni Miss Lotlot.
“Nakakatawa lang dun, kasi talagang… akala ko, wala akong alam mo na, mga skin na makikita. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Pero it turns out naman nung nagkaroon kami ng review, nakakatawa lang. Nakakatawa lang siya na nakakaasar sa mga tao pag pinanood.
“So, OK naman ang naging pakikitungo namin sa isa’t isa. Magkasundo naman lahat.”
Wholesome daw ang papel ni Rico sa pelikulang Slay Zone kung saan bida sina Pokwang at Glaiza de Castro, sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Nasa cast din ng movie sina Queenay Mercado, Maui Taylor, Abed Green, Hero Bautista, Paolo Rivero, Lou Veloso, Raul Morit, at Richard Armstrong.
GORGY RULA:
Natapos na rin ni Rico ang shooting ng pelikulang Apo Hapon, na si Joel Lamangan din ang direktor.
Bida sa Apo Hapon sina JC de Vera at Sakura Akiyoshi. Nasa cast din sina Lianne Valentin, Fumiya Sankai, Nella Dizon, Jim Pebanco, Perla Bautista, Marcus Madrigal, Prince Clemente, at Yoshiko Hara.
Kumusta ang pagganap niya rito bilang Igorot?
Rico Barreira and Fumiya Sankai in 'Apo Hapon'
“Challenging! Nakakapagod pala pag may mga scene na tino-torture ka,” saad ni Rico.
“Kasi, kunwari… meron dun, yung kukuryentihin yung balls. So kinakailangan, after that, magpa-pass out ka.
“So from sigaw na ubos-hininga talaga, tapos biglang magpe-play dead ka. Talagang nakakapagod siya!
“Saka ang hirap, buong araw, covered ako supposedly ng blood. Malagkit. Yung mga langaw, dinadapuan ako!
“At kailangang maligo ako ng halos lagpas kalahating oras para lang matanggal ko lahat ng inilalagay sa akin.
“So, dun yung challenging sa akin. Saka naglalakad ako kahit saan, nakapaa lang. Para ready na in case na kukunan na. Ayun, yun lang ang mahirap dun.”
NOEL FERRER:
Nagbida si Rico sa bold movies na Cuatro at Kabayo na nag-streaming this year sa AQ Prime at Vivamax, respectively.
Read: 'Kabayo,' "pinakamapangahas" na pelikula ng Vivamax?
Sa Ang Ina Mo ay may butt exposure din siya. Kakayanin na ba niyang mag-frontal nudity?
“Naku, ayun ang ano, I don’t know,” bantulot na sagot ni Rico.
“May limitation pa rin. Kasi, bukod dito sa ginagawa ko, meron akong parang different world naman na ginagalawan din.
“Which is, nasa mga sasakyan naman ako. Mga luxury cars, sports cars. Nakikita din ako palagi dun.
“Nagrerebyu ako ng mga mamahaling sasakyan. Umaabot ng P50M, P60M worth yung sasakyan.
“Kaya may limitations pa rin hanggang ngayon! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Sana, sa pag-arte naman, wala nang limitations si Rico.