GORGY RULA:
Masayang ikinuwento ni Pokwang sa story conference ng bago niyang pelikulang Slay Zone na successful ang P1,000 meal-plan challenge niya.
Ipinost niya sa Instagram na napagkasya niya ang ulam pati bigas para sa limang tao sa loob ng dalawang araw.
Read: Neri Naig’s PHP1K weekly meal plan draws mixed reactions from netizens
"Tinray ko yung P1,000-challenge kung saan aabutin… two days. Lima. Tatlong anak, nanay, tatay!” bulalas ni Pokwang sa storycon noong Setyembre 17, 2022, Linggo ng gabi, sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City.
“So sa lima, yung P1,000, inabot ng dalawang araw. And ano ito, walang karne. Walang karne yun! Saka limang kilong bigas."
View this post on Instagram
Wala namang kumontra at nam-bash na hindi realistic ang ginawa niya.
Thankful ang Kapuso comedienne at TV host dahil sunud-sunod ang mga projects niya. Todo-kayod daw siya ngayon para sa kanyang dalawang anak at may ipapatayo pa siyang bahay.
Kaya nagpapasalamat siya sa Wide International Films at kay Direk Louie Ignacio dahil binuo nila itong film project kasama si Glaiza de Castro. Gustung-gusto niya ang role niya sa Slay Zone bilang pulis na hindi pa niya nagawa.
“Siguro talagang dinadala ka ni God sa tamang ano... kung saan ka Niya… dito ka, dito ka! In fact, katatapos lang po ng movie namin ni Uge [Eugene Domingo] para dun sa film festival naman.
"Katatapos lang namin. Nailalagay sa tamang... anong tawag dito? Yung pagkakasunud-sunod lang.
"And then, nagpapagawa ako ng bahay na may malaking kitchen para po dun sa paninda ko na ibabalik ko ho next year, yung Mamang Pokwang's Gourmet. Parang commissary ko.
"Siyempre, kailangan ko talagang mag-tripleng kayod, kasi ako lang talaga ang aasahan ng mga anak ko.
“Alam niyo naman ang mahal ng tuition ni Malia, and I want the best for her. Kung naibigay ko yung best para kay Ate Mae, kailangan ganun din kay Malia.
"Gusto ko sa mga anak ko, pantay ang makukuhang magandang edukasyon. Ganern! So, kayod nang kayod hangga't kaya," saad ni Pokwang.
NOEL FERRER:
Kapansin-pansin sa storycon na ang laki ng iginanda ni Pokwang. Ganyan ba ang bitter-bitter-an?
"Kung ganito kaganda ang bitter, siguro mas gusto kong maging bitter na lang," pabiro niyang lahad na parang sinita rin ang sarili na huwag siyang magpantasya.
“Huwaw! Huy, magkape ka, huy! Huy! Pagka napendeho, di ba, dapat magpaganda ka lalo. Para any monument masalubong mo siya, errr ganern!
“Kesa naman magmumukmok ako huhuhu! Huhuhuhu! Tapos makikita ka niya, losyang na losyang ka. Maging masaya siya lalo.
“Kailangan, 'Maglaway ka! Dami kong trabaho, beh!'" pakuwela niyang pahayag.
Handa na kaya si Pokie sa panibagong inspirasyon o love life?
"Ayokong sabihing ayoko na! OA, corny," kaagad niyang sagot.
"Hayaan niyo lang siya. Pag may dumating, 'O, huwag kang tatanga-tanga, ha? Makiramdam ka na.’
“Kasi dati yung mga red flags, hindi ko... dinedma ko lang, e. Ang daming red flags kung tutuusin, dinedma ko lang talaga. Kasi nagmamahal ka, e.
"But this time, at least may lesson akong nakuha dun sa nakaraan. Para pag may dumating, alam ko na.”
So, open siyang magmahal muli kung sakali?
"Yes! Hindi naman ako para... di ba, malay mo, baka maganda yung plano ni God, kaya nangyari lahat yun."
Pokwang might be in a good place, kasi, aside from gumaganda siya, marami siyang natatapos na magagandang projects, in fairness!!!
JERRY OLEA:
Sina Pokwang at Glaiza ang mga bida sa mystery thriller na Slay Zone. One thing they have in common, pareho silang nagdyowa ng banyaga.
Ano pa ang pagkakapareho nila, o common denominator?
“Kung bakit lapitin kami ng afam?” sambit ni Pokwang.
“Nagkataon lang, suwerte siya. Eme! Ampanget ng nakuha ko… may ulalo. Alam nyo yung ulalo? Yung butas ng kamote.
“Anyways, yun nga… ano, si Glai kasi, nakikita ko siya kapagka meron siyang ginagawang teleserye, pelikula. Iba-iba yung naibibigay niya.
“So, ibig sabihin, talagang inaaral niya kung karakter niya. Ginagawa niya yung trabaho niya nang mahusay. Pulido.
“Kaya hindi ako magtataka kung bakit tumagal na siya sa industriya.”
Pareho na silang 20 years sa showbiz.
Pagpapatuloy ni Pokwang, “So siguro yun ang ano naming dalawa. Kasi, pagdating sa trabaho… ako, nakita ni Direk, bali-baliwag sa set.
“Pero pag sinabing focus, focus! Talagang kailangang mahalin natin yung trabaho natin. Kasi, ito yung bread and butter natin.
“Ito yung inaano natin sa pamilya natin, di ba? Kaya nagpapasalamat ako sa mga tao, sa mga producers na laging nagtitiwala. Maraming salamat po!
“Maliit o malaking proyekto, dapat nating ipagpasalamat.”