JERRY OLEA:
Valak wins again! Nanguna na naman sa takilya ang pelikulang The Nun II sa North America last weekend, September 15-17, 2023. Tampok sa pelikula ang demonyong madre na si Valak.
Ayon sa Box Office Mojo, humamig ito ng $14.5M.
Kabog ang bagong bukas na Hercule Poirot mystery na A Haunting in Venice. Pangalawa ito, with $14.3M opening weekend gross.
WORLDWIDE, lumampas na sa $150M ang The Nun II. Konting kandirit pa at lalampasan na nito ang global gross ng Insidious: The Red Door bilang pinakamalakas na horror movie ng taon.
Dalawang pelikula pa rin lang ang umabot sa $1B mark. Tatlumpo (30) na ang lumampas sa $100M.
Ayon pa rin sa Box Office Mojo, heto ang update sa Top 30 na pinakamalalakas na pelikula WORLDWIDE so far this year: Barbie ($1.417B), The Super Mario Bros. Movie ($1.360B), Oppenheimer ($913M), Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($846M), Fast X ($705M); Spider-Man: Across the Spider-Verse ($690M), The Little Mermaid ($570M), at Mission Impossible: Dead Reckoning Part One ($566M).
Kasama rin ang Elemental ($487M), Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($476M); Transformers: Rise of the Beasts ($439M), John Wick: Chapter 4 ($427M), Meg 2: The Trench ($391M), Indiana Jones and the Dial of Destiny ($383M), at Creed III ($275M).
Pasok din ang The Flash ($269M), Sound of Freedom ($211M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M), Insidious: The Red Door ($188M), Scream VI ($169M); Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem ($167M), at The Nun II ($161M).
Nasa listahan din ang Evil Dead Rise ($147M), Shazam! Fury of the Gods ($134M), The Equalizer 3 ($132M); Pathaan ($129M), Blue Beetle ($120M), Haunted Mansion ($109M), Detective Conan: Black Iron Submarine ($107M), at Gran Turismo ($103M).
Anim na pelikula ang mag-o-open sa local cinemas bukas, Setyembre 20.
Ang mga ito ay ang Concrete Utopia, Sound of Freedom, Expend4bles, Rascal Does Not Dream of a Sister Venturing Out, The Jester, at Video City: Be Kind, at Please Rewind nina Ruru Madrid at Yassi Pressman.
Sa Setyembre 27 ipapalabas ang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, kasabay ang Lost in the Stars, Saw X, at The Creator.
Nagpo-promote na ang Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes. October 18 ang playdate nito, kasabay ang critically acclaimed na Killers of the Flower Moon.
Kabilang pa sa mga inaabangan nating movie ang Dune: Part 2 sa Nobyembre 1, The Marvels sa Nobyembre 8, Aquaman and the Lost Kingdom sa Disyembre 20, at Wonka sa Enero 8.
Para sa updates sa playdates ng movies, bisitahin ang Facebook pages ng SM Cinema at Cinema Exhibitors Association of the Philippines, ganoon din ang website ng Click The City.
NOEL FERRER:
Siyempre, ipinagdarasal natin na kumita at maging successful sa takilya ang mga Pinoy movies katulad nung kina Ruru at Yassi, Kathryn at Dolly, at Alden at Julia.
Sana, ang mga pelikula na nila ang magsimula ng pag-pick up ng pelikulang Pilipino na labis na naiba na ang consumption lalo na after the pandemic.
Sana, sipagan pa ng mga bida ang pagpo-promote para abangan talaga ng mga tao at maging event movie ang mga ito.
At kahit showing na, mag-theater tour pa rin para sulit ang pagbabayad ng mga manonood kapag nakita sila. Lahat ay gagawin natin para maibalik ang sigla ng pelikulang Pilipino. Sana!!!
GORGY RULA:
Si Yassi ang leading lady ni Ruru sa Kapuso series na Black Rider, kaya interesting malaman ang kalalabasan ng tambalan nila sa takilya.
Ang huling movie na pinagbidahan ni Ruru ay Cara x Jagger (2019) with Jasmine Curtis-Smith.
Tingnan natin kung mas malakas ba sa Cara x Jagger itong Video City: Be Kind, Please Rewind.
Nagtambal sina Kathryn at Alden sa Hello, Love, Goodbye (2019), ang highest-grossing Filipino film of all time (hindi adjusted sa inflation).
Iyon din ang last movie nila bago magkaroon ng kani-kanyang bagong pelikula.
May mga umaasam pa noon na magkaroon ng sequel ang nasabing KathDen movie, remember?
Kaya interesting kung paano magpe-fare sa box-office ang kani-kanyang follow-up movie. E, ang katambal pa ni Alden ay si Julia.
Sina Kathryn at Julia ang tampok sa remake ng teleseryeng Mara Clara (Oktubre 2010-Hunyo 2011).
May entry si Alden sa MMFF 2023, ang A Mother and Son’s Story with Sharon Cuneta. Makakaapekto kaya sa MMFF 2023 ang showing ng Aquaman and The Lost Kingdom.
Iyong Spider-Man: No Way Home (2021) ay Enero 2022 ipinalabas sa local cinemas.
Nagalit ang ibang Pinoy moviegoers dahil hindi agad iyon napanood porke may MMFF.
Last year, ipinalabas na sa local cinemas ang Avatar: The Way of Water bago ang MMFF. Punuan ang screenings nito sa IMAX theaters habang ongoing ang MMFF.