Cesar Montano, gustong kumuha ng Hollywood actor para sa Pinoy historical film

by PEP Troika
Mar 15, 2018

JERRY OLEA: Sampung pelikulang Pinoy ang pinarangalan ng Tourism Promotions Board (TPB) kaugnay sa kampanyang "Cine Turismo" nitong Huwebes, Marso 15, sa Diamond Hotel Manila.

Pinagkalooban ng tropeyo ang Sakaling Hindi Makarating, Lakbay2Love, Camp Sawi, Patay Na Si Hesus, Apocalypse Child, Siargao, Requited, I Found My Heart In Sante Fe, Kiko Boksingero, at Paglipay na ipinalabas noong 2016 at 2017.


Continue reading below ↓

DOT Secretary Wanda Teo and TBP COO Cesar Montano with the Cine Turismo awardees

Pahayag ni TBP Chief Operating Officer Cesar Montano, “Truly, we are in the midst of a growing phenomenon that is film tourism.

“Domestic and international tourists are now influenced by onscreen visuals and actually make travel decisions after watching a film, driven towards unique and memorable experiences that connect them to the locations featured on the big screen.

“We’ve seen this in action in the case of Baguio, Benguet, and Sagada, setting for the movie That Thing Called Tadhana which in 2015 took viewers on a pilgrimage to sites, such as Session Road, the Bencab Museum, Banaue Rice Terraces, Kiltepan Peak, and Gaia Cafe.

“We at the Tourism Promotions Board are closely watching this wonderful development and are first to recognize the benefits that our local destinations can reap from film tourism: increased revenues for tourist attractions; hospitality and F&B; jobs for locals; patronage of locally-produced food and handicrafts; and organic, word-of-mouth referrals. Hence we are gathered here today for CineTurismo.”

Continue reading below ↓

Walang kaakibat na cash incentive ang unang pagpaparangal ng Cine Turismo.


GORGY RULA: Simula pa lamang daw itong pamimigay ng "Cine Turismo" sa mga pelikulang nagpu-promote ng turismo ng bansa, sabi ni Cesar.

Sa susunod na taon daw ay sisikapin nilang may incentives ang mga pelikulang mapipili.

Continue reading below ↓

Gusto rin daw nilang iparating sa producers, lalo na ang mga gumagawa ng indie films, na willing na tumulong ang Department of Tourism para makabuo ng mga pelikulang maipapakita ang magagandang tourist destinations ng bansa.

“We’re going to give handsome incentives sa mga pelikulang talagang magpu-promote ng mga tourist destinations natin.

“Halimbawa, ang pelikula mo, yung title halimbawa Coron, o Boracay o katulad ng Siargao, we’re going to help you.

"Willing ang Tourism Board na tumulong diyan.

“Willing kami to co-prod with other producers and to support them also kung saan sila sasaling international film festival.

"Basta yung films, talagang inclined sa turismo, yung makakatulong talaga sa tourism,” pakli ni Cesar.

Ang isa pang surprise sa katatapos na awarding ng "Cine Turismo" ay ang malaking historical movie na pinamagatang Sultan Kudarat (The Unconquered Hero).

Ipinakita ang teaser ng malaking pelikulang ito na pinagbidahan ni Cesar at siya rin ang magdidirek.

Continue reading below ↓

Gagawin pa lang itong pelikula at isa raw sa pinagpipiliang leading lady ay si Bea Alonzo.

Ito raw ang isa sa pinaghahandaan ngayon ng TBP ng DOT dahil ang target nila ay makagawa ng isang historical tourism film.

Isa pang balak nila ay mag-cast ng isang Hollywood actor.

“Ultimately, ang dream ko, malagyan ng casting from Hollywood, e. "ng distribution doon bago dumating dito.

"Nasa historical tourism tayo, e. So, we are committed to make one historical film each year para maikuwento natin yung bansa natin,” dagdag ni Cesar.

NOEL FERRER: More recognition. More support in whatever way. Better for our film industry.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Cesar Montano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results