Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kabogerang diva, binawi ang ipinamigay na concert tickets sa hosts ng show

by PEP Troika
Mar 16, 2018

GORGY RULA: Heto ang eksenang nasaksihan ng aming kaibigan sa rehearsal ng weekly variety show kamakailan lang.

Magkasama sa rehearsal ng isang production number si Kabogerang Diva (KD), si Masayahing Aktres (MA), at si Vavavoom Actress (VA).

Sa gitna ng rehearsal, sinabihan ni Kabogerang Diva si Masayahing Aktres na tipong bakit lalaki lang daw ang nagpapasaya sa kanya. Bakit gusto raw nito, laging may lalaking karelasyon.

Nagulat si Masayahing Aktres, at ni-remind niya si KD na may asawa na siya. Sinabi niyang kasal na siya sa kanyang long-time non-showbiz boyfriend.

Deadma lang daw si KD.

Maya-maya, sinabihan na naman niya si MA na mag-Christian na ito, at magsimula na raw silang mag-Bible study.

“Sarado-Katoliko po ako, Ms. KD. Nagka-award pa nga ako sa simbahan. Okay na po ako,” tipong ganun daw ang sagot ni Masayahing Aktres.

Maya-maya, binati ni MA ang magandang tan ni Vavavoom Actress.

Indoor tanning lang daw yun na maganda naman ang kinalabasan kay VA.

Continue reading below ↓

Kaya pinuri nila, at sabi nga ni MA, parang pumayat lalo si VA sa bago niyang kulay.

Sumingit daw ng komento si Kabogerang Diva ng “Hindi, ah!”

Nagulat at natulala na lang sila sa bonggang komento ni KD.

Kinabukasan, sa mismong show, kung saan magpu-promote si KD ng kanyang concert, pagkatapos ng production number, in-interview na nila si KD para makapag-promote.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dagdag na promo sa kanyang concert, live na namigay si KD ng libreng tickets sa mga host.

Tuwang-tuwa naman ang mga host na nabigyan ng ticket. “Thank you po, Ms. KD,” sabi nila.

Pagkatapos ng segment na yun, balik na ang mga host sa dressing room.

Maya-maya, pumasok sa kuwarto nila ang staff ni Kabogerang Diva.

Sabi niya sa mga host, “Ma’am, pinapakuha na po ni Ma’am KD ang ticket na ibinigay sa inyo.”

Natulala silang lahat, at wala silang nagawa kundi ibalik sa staff yung ticket.

Pagkalabas ng staff sa dressing room, nagtawanan na lang silang lahat.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Wala akong masabi sa Kabogerang Diva.

Di siya umubra sa katapat na musical variety show at hindi na yata ni-renew ang kontrata niya roon kaya malaya na siyang nakakapag-guest sa iba pang shows.

At dito pa sa teritoryo ni Masayahing Aktres siya nag-i-statement. Tuloy, pinagtatawan siya sa likod niya.

Good luck na lang sa concert niya na maraming guests.

JERRY OLEA: Ay, naku! Kilala ng kaibigan kong taga-Balintawak ang tatlong babae sa istoryang ito.

Bale tatawanan mo na lang ang ganitong ganap, at idudulog sa Black Mountain.

Kung may alas ka sa iyong career, hindi mo seseryosohin ang mga hanash ni Kabogerang Diva.

Siyanga pala, hello sa mga kapitbahay ko sa nilipatan kong condo sa Brgy. Socorro, Cubao, QC!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, blind item
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results