Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pagta-topless ni Jake Zyrus, may shock value ba?

by PEP Troika
Mar 16, 2018

JERRY OLEA: Noong Miyerkules, Marso 14, pa nag-post si Jake Zyrus ng topless photo sa Instagram.

“Di pa game eh. Pero yung go pro atat. Kala mo tuloy naghahanap ng away. Hahaha #angguibbeach,” caption ng singer formerly known as Charice Pempengco.

Pinusuan ito ng mahigit 7K netizens, kabilang ang aktor na si JM de Guzman.

Di pa game eh. Pero yung go pro atat. Kala mo tuloy naghahanap ng away. Hahaha! #anguibbeach

A post shared by Jake (@jakezyrusmusic) on

Noon pa namin hinihintay na mag-topless si Jake Zyrus, bilang bahagi ng kanyang pagpapakalalaki.

Akala namin ay magta-topless (kahit nakatalikod) siya para sa poster ng concert, o cover ng CD.

May shock value pa ba sa inyo ang ginawang ito ni Jake Zyrus, o ipagkikibit-balikat na lang ninyo?

Huwag ninyong sabihin na mas interesado pa kayo sa pagta-topless ni Xander Ford, huh?!

NOEL FERRER: Noong huli niyang concert na I Am Jake Zyrus sa Music Museum, napag-usapan na ang pagta-topless ng dating si Charice.

Pero one step at a time lang daw dapat. Change of name muna.

Continue reading below ↓

Ngayon kayang may napipintong May 25 birthday concert si JZ sa Skydome, handa na ba siya sa topless concert exposure? Kahit sa poster lang?

Napapanahon din ang pagpapalit ng pangalan ni Aiza to Ice Seguerra.

Puwede kayang maulit ang pagsasama nila sa isang concert, lalo't malaya na ulit si Aiza na tumanggap ng mga raket sa pagkanta, ok na ok 'yan!!!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

GORGY RULA: Sa Kangaroo beach sa Ca ‘gay’ an pala kinunan yang topless na 'yan.

Kung halimbawa may kangaroo talaga sa beach na yun, ano kaya ang magiging reaksiyon nila pag makita nila ang pagta-topless ni Jake?

Mukhang puspusan yata ang pagpapaganda ng katawan ni Jake dahil isa siya sa mga celebrities na tinututukan ng gym na gym din natin, Sir Noel.

Kaya huwag na tayong magulat kung bago matapos ang summer na ito, isang hunk na hunk at ewan ko lang kung may pabukol din na Jake Zryrus ang makikita natin.

Continue reading below ↓

Ang saya saya! Kanya-kanyang trip lang 'yan. I-enjoy na lang natin.

Sana makapanayam ng PEP Troika sina Jake at Ice Seguerra, dahil gusto kong pag-usapan namin ang isang series sa Netflix na Orange is the New Black.

Swak na swak sa kanila ang seryeng ito, e. Ang ganda!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Jake Zyrus
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results