Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bird ni Lakas sa Bagani, malaki at puwedeng sakyan

by PEP Troika
Mar 16, 2018

JERRY OLEA: Ikinukumpara ng ibang fans ang ABS-CBN fantaseryeng Bagani sa HBO series na Game of Thrones.

“Ahhh... mahirap i-compare sa Game of Thrones, sa oras pa lang na ginugugol,” matamang sambit ni Richard Arellano, isa sa tatlong director ng nasabing prime time series, nang makausap namin sa thanksgiving presscon noong Huwebes, Marso 15, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound.

“Mas mahaba yung oras ng Game of Thrones, unlike dito sa Pilipinas, iba ang set-up natin.

“Siyempre, may mga pangarap kaming gawin na ganito kalaki, ganyan-ganyan.

“Pero because of budget and ano, we have to make creative solutions na akma pa rin sa panlasa ng Pilipino man o TFC subscriber.”


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bagani director Richard Arellano

Bonggang-bongga ang mythical creatures ng Game of Thrones, gaya ng mga dragon.

“Meron po!” mabilis na bulalas ni Direk Richard.

“May giants kami, mga dragon, and Siminikawa, yung bird ni Lakas (karakter ni Enrique Gil).

“Iyong bird ni Lakas... malaki. Malaki ang bird ni Lakas!

“Halos lahat sa Sansinukob, tuwang-tuwa sa malaking ibon ni Lakas!

“At puwede mong sakyan ang malaking ibon ni Lakas! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Direk Richard.


Continue reading below ↓

(From L-R: Matteo Guidicelli, Liza Soberano, Enrique Gil, Sofia Andres, and Makisig Morales)

NOEL FERRER: Natawa naman ako sa comment ng kaibigang Richard Arellano ukol sa
pagsakay sa ibong malaki.

Pero buti naman at naayos na nila ang gusot ukol sa gamit ng salitang Bagani, kasi sa pagiging popular nito ngayon, may mga memes na sina BAGANI AGBAYANI at si RUEL BAGANI.

Balitang in-exit muna ang karakter ni Liza para makapag-concentrate na siya sa pagda-Darna!

Exciting 'yan, dahil at least may iba’t ibang characters naman na mabibigyan ng pansin dito.

Dito rin sana sa Bagani kasama si Xian Lim na nag-meeting na at nakapag-fitting na rin—until nagdesisyon siyang tanggihan ang project at lumipat na sa Viva.

Mahirap ang mga ganitong materyal na may pagka-period, action at historical/cultural, pero malaking achievement kapag naitawid nila ito nang maayos!!!

GORGY RULA: Nasilip ko minsan ang Bagani, maganda ang quality ng seryeng ito.

Kaya naman tuwang-tuwa si Governor Imee Marcos dahil lumabas daw na maganda ang Ilocos.

Continue reading below ↓

Pero sana magpapayat pa si Enrique Gil.

Parang di pa ganun ka-believable na kayang makipagsagupa ni Enrique bilang si Lakas sa mga mandirigmang nakakalaban niya.

Mukhang mabigat pa rin siyang tingnan at hindi pa buff na buff ang katawan niya sa seryeng yun.

Ang sososyal pa ng mga hitsura nila para isabak sa mga maaksyong eksena.

JERRY OLEA: Maganda ang sagot ni Direk Richard Arellano kaugnay sa schedules ni Liza (gumaganap bilang Ganda sa Bagani).

Ani Direk Richard, “Nagko-coordinate together yung Darna at Bagani, para makapag-taping pa rin si Liza.

“Ikanga, kailangan ng creative solution for the problem.

“Iyon ang mga inihahanda namin, na sana kumapit sila [televiewers] sa Bagani kahit wala muna si Liza... doon sa iba’t ibang characters.

“Sina Dumakulem [Makisig Morales], si Mayari [Sofia Andres], si Lakam [Matteo Guidicelli], nandiyan pa rin.

"Makukulay pa rin ang mga buhay nila."

Ang pinakabida ba sa Bagani ay si Liza, ang LizQuen, o yung lima (Liza, Enrique, Matteo, Sofia at Makisig)?

Continue reading below ↓

Mabilis ang tugon ni Direk Richard, “Iyong lima ang bida, ang banner namin dito. At yung buong Sansinukob.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results