Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kampo ni Super Tekla, nilinaw ang balitang tsinugi ang komedyante sa Sunday Pinasaya

by PEP Troika
Mar 17, 2018

GORGY RULA: Nilinaw ng kampo ni Super Tekla ang kuwentong nakarating sa PEP Troika na tsugi na raw ang komedyante sa Sunday Pinasaya.

Ang unang kuwentong nakarating sa amin, nag-attitude daw si Super Tekla sa rehearsal ng Kapuso Sunday variety show dahil sa inuna na pinag-rehearse si Alden Richards at pinaghintay siya nang matagal.

Nauna kasing dumating si Super Tekla, pero pinaghintay daw ito dahil pinag-rehearse muna si Alden. Kaya nag-walk out na raw ito.

Kinabukasan, sa live episode, hindi na raw sumipot si Super Tekla. Kaya hindi na raw pinabalik, at hindi na raw kukunin uli.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ipinarating namin ito sa handler ni Super Tekla para hingan ang panig ng komedyante.

Narito ang kabuuan ng text message sa amin ni Rose Conde, ang handler ni Super Tekla:

“Hindi naman walk-out yun. Four to 5 hours na siya naghintay sa rehearsal.

“Nasa second floor, make-up room lang siya. Wala naman kumakausap sa kanila.

"Sama ng pakiramdam niya, kasi Friday, nag-taping pa ng Daig ng Lola.

"Bibe sila. Naka-costume tapos pawis na pawis.

"Ayun, kinabukasan nilamigan pa lalo sa make-up room kaya nagpaalam na sa akin na aalis na siya,

“Pinaalam ko kay Tita Carms (talent coordinator). Sama talaga ng pakiramdam, umuwi na.

"Hanggang kinabukasan, hindi ko na magising, kasi nga tulog, sama ng pakiramdam.

"10 AM nagsabi na ako kay Tita Carms na hangga’t maaga, sabihan na ang production.”

Pakiusap ng kampo ni Super Tekla, huwag na sanang palakihin dahil wala naman daw talagang isyu.

Siyempre, wala namang alam diyan si Alden, at okay na okay raw sila ni Super Tekla.

Continue reading below ↓

Nagtanong din kami sa ilang taga-Sunday Pinasaya.

Sinabi sa amin na hindi naman regular si Super Tekla sa naturang programa, kundi guesting lang daw ito.

Sabi naman ng handler ni Super Tekla, punung-puno lang talaga ang schedule ng komedyante dahil may regular taping siya sa bagong programa niyang Inday Will Always Love You.

JERRY OLEA: Nagre-rate ang mga show na guest o kasama si Tekla, kaya hindi siya binibitawan ng GMA-7.

E, di ba, marami rin ang gustong kumuha sa kanya para sa out-of-town shows?!

Strike while the iron is hot, ikanga.

NOEL FERRER: Sa industriya natin, totoo ang kasabihang “Patience is a virtue.”

Kadalasan, ang buhay natin dito ay puno ng paghihintay.

Kaakibat niyan ay pang-unawa.

Yung may mga katangiang ganyan, pati na ng pakikisama, ay ang mga nagtatagal sa show business. Kadalasan, higit pa sa talento.

Sana magkaroon ng ganyang reputasyon si Super Tekla at ang mga kasamahan natin sa showbiz.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results