Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

JaDine fans, excited sa kissing scenes nina James at Nadine sa Never Not Love You

by PEP Troika
Mar 17, 2018

GORGY RULA: Hindi magkamayaw ang fans nina James Reid at Nadine Lustre sa Fisher Mall nang mag-promote sila ng pelikula nilang Never Not Love You kanina, March 17.


Sobrang lakas ng tilian ng fans nang binanggit ni James na marami raw silang kissing scenes sa pelikula.

"Kissing scenes lang yata ang inaabangan niyo, eh," sabi naman ni Nadine.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pagkatapos ng dalawang kanta, nag-groufie sila kasama mga fans, at babu na!

Pagkatapos ng mall show dito sa Fisher Mall, aakyat na ang dalawang bida sa 4th level ng naturang mall para naman sa kanilang presscon.


Continue reading below ↓

Sa March 31 na ang showing ng Never Not Love You.

NOEL FERRER: Black Saturday playdate, masuwerte 'yan dahil, usually, sabik ang mga taong makapanood ng bagong sine after ng Holy Week.

Acid test ito para sa JaDine love team dahil after their teleserye, na hindi kasing lakas ng On The Wings Of Love, heto ang pelikula na hindi co-prod ng Star Cinema ha, Viva lang ito. Dito susukatin ang lakas nila.

JERRY OLEA: Ibang level na ang JaDine, kumpara sa KathNiel at LizQuen na comparatively pa-tweetums pa rin.

Mainit ang sexual tension kina James & Nadine, kaya napaka-liberating para sa millennials.

Abangan natin kung malakas ba ang pelikula nila sa takilya, o kung tilian lang sa libreng mall show ang maaasahan sa fans nila.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results