Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mark Bautista, aminadong pinaliit ang kanyang mundo nang umamin siya

by PEP Troika
Mar 18, 2018

JERRY OLEA: “Pinaliit ko ang mundo ko!”

Kaswal na bulalas iyan ni Mark Bautista nitong Sabado ng gabi, Marso 17, sa guesting niya sa Level Up: Showbiz Saturdate, ang weekly program ni Noel Ferrer sa Radio Inquirer.

Ito ang first live guesting ni Mark matapos lumabas ang libro niyang Beyond The Mark.


Continue reading below ↓

Lumiit ang kanyang mundo pero, “Mas OK ngayon.”

Nakilala niya ang mga tunay na kaibigan na tumanggap sa kanyang totoong pagkatao.

Kabilang sa mga kaibigan sa showbiz na nag-reach out sa kanya ay sina Iza Calzado, Heart Evangelista, Rochelle Pangilinan, Winwyn Marquez, Mark Herras, Christian Bautista at Jed Madela.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Wala siyang hinanakit kung dedma man ang iba sa kanya. Iniintindi niya ang mga ito.

Nakangiting sambit ni Mark, “Magkikita-kita kami sa nalalapit na wedding ni Shin [Rachelle Ann Go].”

NOEL FERRER: Muli, katulad ng libro, isang totoo, tapat at sinserong MacMac ang nakausap natin na nagdiriwang ng 15th Anniversary niya sa showbiz.

Kasamang bumati sa kanya sina Bobby Garcia, Cris Villongco, Joanna Ampil at Lanj Misalucha na labis na ikinatuwa ni Mark.

Exciting ang nalalapit na kasal ni Shin (Rachelle Ann) na ang sabi’y gaganapin na sa susunod na buwan. (Una niyong nalaman dito sa PEP TROIKA ha!)

Isisingit at hahanapan talaga ito ng oras ng mga malalapit na kaibigan ni Shin, at isa na si Mark doon pati na ang makakasama niya sa US tour (both celebrating their 15th showbiz anniversary) - si Sarah Geronimo.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Kahit naging open naman si Mark sa panayam na iyun, nag-iingat pa rin siya na hindi maungkat uli ang ibang kilalang tao na nadamay sa isyu ng librong yun.

Samantala, sinagot ni Ms. Cory Vidanes si Kuya Ricky Lo na hindi raw totoong banned si Mark sa ABS-CBN, sana mapapanood na natin siya sa ASAP at matuloy na rin ang interview ni Kuya Boy Abunda sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Mark Bautista
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results