Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ryan Agoncillo at Mark Bautista, inalok bilang lover ni Paolo Ballesteros sa My 2 Mommies

by PEP Troika
Mar 18, 2018

NOEL FERRER: For Mothers’ Day release ang pelikulang My 2 Mommies ng Regal Films tampok si Paolo Ballesteros with Solenn Heusaff at isang bagong batang in-audition nila.

Isinulat at nila-line produce ni Direk Joey Reyes para sana sa pamangkin niyang si Mark Reyes, pero hindi umubra ang schedule niya kaya ito na ang magsisilbing comeback film ng actor-director na si Eric Quizon.


Continue reading below ↓

Una ring inalok si Ryan Agoncillo para maging lover ni Paolo sa pelikula, pero mahirap na sabay silang mawala sa Eat Bulaga.

May nakatakda ring biyahe si Ryan para sa bakasyon nilang mag-anak in time for his birthday at wedding anniversary.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kaya sa Eat Bulaga! Lenten presentation muna sila magsasama ni Paolo, next time na lang sa pelikula.

Sayang din, kasi naging mas interesting ang pelikula nang makuha rin sa cast bilang auntie ni Pao ang Diamond Star na si Maricel Soriano.


Continue reading below ↓

Paolo Ballesteros, Maricel Soriano, and Dianne Medina

Inalok din ang lover role kay Mark Bautista na willing sanang gawin ang project, kaso mo, aalis din siya ng bansa.

May US concert tour din siya with Sarah Geronimo kaya “baka hindi pa para sa akin ang project na yun,” sabi ni MacMac.

Kanino na napunta ang nasabing role na lover ni Paolo na katuwang niya sa pagpapalaki ng anak?

Walang iba kundi kay Joem Bascon.

GORGY RULA: Hindi umubra sa schedule ni Direk Mark o hindi umubra sa budget?

True ba na mas mataas pa talent fee ni Direk Mark sa tito niyang si Direk Joey Reyes? Kaloka, ha?!

Ang nakakatuwa lang, kinu-consider na ngayon si Mark sa ganung project.

Parang positive ang dating ng pag-open niya dahil naging totoo lang siya, pero wala nang ibang kaartehan.

Wala siyang dramang magpalit ng ayos, magpalit ng pangalan, at kung anik anik.

JERRY OLEA: At willing si Mark Bautista na magkontrabida, ha?!

Continue reading below ↓

Itong movie nina Paolo at Solenn, parang may bahid ng Pusong Mamon na pinagbidahan noon nina Eric Quizon, Albert Martinez, at Lorna Tolentino.

Mukhang mabango pa rin sa takilya si Paolo kaya hindi siya nauubusan ng pelikula, ‘no?!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results