Original Sang'gres ng Encantadia, magsasama muli sa isang proyekto

by PEP Troika
Mar 19, 2018

GORGY RULA: Hindi muna ibinigay ni Iza Calzado ang detalye tungkol sa binabalak na pelikulang gagawin nila ng mga kapatid niya sa Encantadia na sina Sunshine Dizon, Karylle, at Diana Zubiri.


Lumabas na sa social media ang tungkol sa binuo nilang Sang'gre Productions, kaya hindi na niya itinangging may binubuo silang isang magandang movie project na pagsasamahan nilang mga Sang'gre.

Continue reading below ↓

Ididirek ito ni Mark Reyes, na direktor din nila noon sa Encantadia.

Sa ilang beses daw nilang pagkikita, napag-usapan na nila ito noon pa.

Ngayon ay nabuo na nila at abangan na lang daw itong magandang project na pagsasamahan nilang apat.

“Matagal na, e. Kasi you know…ang lakas ng following talaga ng Encantadia.

"Since we’re not in the same network, parang the logical thing to do talaga is to do movie together… project outside of the TV networks," pahayag ni Iza nang nakausap namin sa ginanap na National Breakfast Day event ng McDonalds, sa isang branch nila sa Madison St., Greenhills, kaninang umaga, March 19.

Basta abangan na lang daw kung anong klaseng pelikulang ito dahil malapit na nila itong simulan.

Basta hindi raw ito kagaya ng Encantadia dahil hindi naman daw nila pag-aari ang fantaseryeng yun ng GMA-7.

Sinundot na rin namin ang tanong tungkol sa kasalan nila ni Ben Wintle.

Continue reading below ↓

Hindi rin siya nagbigay ng buong detalye kaugnay dito.

Pero inamin naman niyang magiging bahagi ang mga kapatid niyang Sanggre.

“Siyempre nandun sila, mga kapatid ko,” tipid na sagot ni Iza.

Late this year daw ang schedule ng kasal at destination wedding daw ito.

JERRY OLEA: Best Actress si Iza Calzado (Bliss) sa PMPC Star Awards for Movies, pero ni hindi siya nominado sa 2nd Eddys.

Just the same, blissful pa rin naman si Iza sa dami ng blessings sa buhay niya.

I wonder, kung makakasama ng mga orig na Sang’gre iyong mga millennial Sang’gre sa pelikulang pagbibidahan nila.

NOEL FERRER: Papunta kami ngayon ni Iza para sa meeting at look test para sa pelikula niya sa Cinemalaya.

Mula ito sa direksiyon ni Perci Intalan sa ilalim ng kanilang Idea First Company ni Jun Lana.


Continue reading below ↓

Pagkatapos bigyan si Uge (Eugene Domingo) at Juday (Judy Ann Santos) ng mga sarili nilang pelikula, sabi nina Jun at Perci, it’s time to give Iza a very challenging role, lalo pa’t "lucky charm" nila lagi si Iza sa kanilang mga production (Barber's Tales and Die Beautiful).

At mukhang magshooshoot pa sila abroad ngayong Holy Week! Wagi!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results