Joross Gamboa, naghahanap ng lead sa pelikula niya tungkol sa lalaking bawal ma-arouse

by PEP Troika
Mar 20, 2018

GORGY RULA: Papasukin na ni Joross Gamboa ang pagdidirek na siya na rin mismo ang nagsulat ng script.

Tuwang-tuwang ikinuwento sa amin ng aktor sa National Breakfast Day ng McDonald’s sa Madison, Greenhills, kahapon ng umaga, March 19, na tinanggap ng ABS-CBN ang isinumite niyang material.


“Comedy ito. Ang una kasi, trip trip lang 'to, e.

Continue reading below ↓

"Hindi ko naman akalain na ano, e... tawa sila nang tawa. Ayun!” natatawang kuwento sa amin ni Joross.

Itong ginawa raw niyang film project ay kuwento ng isang guwapong lalaki na bawal magkaroon ng sexual arousal.

“International model siya, self-loved guru siya, 'tapos guwapo siya saka mayaman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So, ang daming babae ang humahabol sa kanya.

"Until na may papasok na babaeng mai-in love siya, so papano na ngayon."

Hindi lang daw niya alam kung ano ang tamang tawag, pero may ganun daw sakit na nabasa niya sa isang thread.

“Meron palang ganun. Nabasa ko lang sa thread yun na hindi raw siya puwedeng tigasan.

"Kapag mangyari yun, nagkakaroon siya ng sakit sa pelvic bone, may sakit siyang naramdaman na parang sakit sa bato, parang ganun yung tama.

"Pero dahil pelikula, pinalala ko lang."

Dagdag ni Joross, “Makaka-relate lahat kasi kung papano mo maiiwasan ang temptasyon."

Magsisimula na raw siyang magpa-audition kung sino ang puwedeng gumanap sa mahalagang role na iyon.

Continue reading below ↓

May go signal na raw kasi siya sa ABS-CBN na simulan na niya ito.

Pagbabalita pa niya, “Ipalalabas siya sa ABS-CBN na digital, na para siyang Cinema One Originals.

"Magkakaroon na kasi sila ng parang Netflix ng ABS din."

JERRY OLEA: Nabanggit na iyan ni Joross last December sa presscon ng Deadma Walking.

Hoping siya na masimulan ang shooting by January, pero naging abala siya noon sa promo ng Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Masaya tayo na matutuloy na ang pagdidirek niya.

Kaya congrats sa iyo, Joross!

NOEL FERRER: Isa sa pinaka-reliable at magaan na artist na i-handle si Joross.

Bukod sa mahusay na, magaan siyang katrabaho, masaya.

Kaya naman paborito siyang isama sa mga project dahil, aside from he truly delivers (because he is one of our better actors of today), siya lagi ang life of the party.

In fact, aside from his CineFilipino entry and ABS-CBN digital project, may bago siyang pelikula with Reality Films na gustong magtaguyod ng isang formidable comedy trio mala-TVJ (tall order huh)!

Continue reading below ↓

But even the funniest clowns go through personal woes too.

Humihingi ng dasal si Joross para sa lola niyang may sakit ngayon.

In the end, iba pa rin ang pagmamahal at rootedness natin sa kabutihan sa pamilya! 'Yan si Joross Gamboa!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results