Gladys Reyes, nag-donate ng breastmilk sa kapwa-Iglesia mommies sa Cebu

by PEP Troika
Mar 20, 2018

GORGY RULA: Tuwang-tuwang ikinuwento ni Gladys Reyes sa PEP Troika sa pa-dinner niya sa restaurant nila ni Christopher Roxas nung nakaraang Linggo, March 18, na nag-donate siya ng gatas niya sa mga ka-Iglesia niya sa Bantayan Island, Cebu, nung nag-taping siya roon ng bagong serye niyang Inday Will Always Love You ng GMA-7.

Halos two weeks siyang nag-taping sa Cebu at naiwan niya sa Maynila ang bunsong anak niyang si Gavin Cale.


Continue reading below ↓

Naipon tuloy ang gatas ni Gladys.

Kaya ang ginawa ng aktres, idinonate niya ito sa mga mommy na Ka-Iglesia niya sa Cebu.

Tuwang-tuwa naman daw ang mga Cebuanong Mommy at nakatikim ng gatas ni Gladys ang kanilang anak.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tuwang-tuwa ang Kapuso actress na nakapag-share pa siya ng gatas niya sa Cebu.

Pero kampante siyang mabubusog din ang naiwan niyang baby Gavin dahil nag-pump daw siya ng gatas niya at iniwan niya rito.

Kuwento pa ni Gladys, “Ang Mama at Papa ko, ang sister ko ang nag-alaga sa mga anak ko, lalo na si Baby Gavin na hindi naman niya ako gaanong ma-miss dahil gatas ko pa rin ang nadi-dede niya.

"At peace ako na in good hands siya."


Continue reading below ↓

Ten months old na si Baby Gavin.

Gusto niya, hanggang two years old ito, naka-breastfeed pa rin siya.

Iyun naman daw ang ginawa niya sa tatlo pa niyang anak na sina Christophe, Aquisha, at Grant.


JERRY OLEA: Nakita namin ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa first anniv ng Hazelberry Cafe ni Ara Mina last Thursday, March 15, sa QC.

Continue reading below ↓

Sa jamming session ay binanatan ni Gladys ang kantang "Torn," pero wala kaming naramdamang pait o asim dahil pagkatamis-tamis pa rin ng pag-ibig sa kanyang puso.

Pinapatunayan nina Gladys at Christopher na merong forever!

NOEL FERRER: They become better as they age.

At kita sa buhay ni Gladys ang bunga ng lahat ng kanyang pinagsumikapan sa buhay.

May she and her family be more blessed.

And as an artist, masaya ako at nag-mature si Gladys as an actress.

Lalo pa nang nagsimula siyang gumawa ng challenging roles sa indie productions at doon siya pinarangalan at lalo pang nirespeto bilang isang tunay na alagad ng sining.

In fact, kung gugustuhin niya, she can also be a good leader sa ating industriya!!!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results