Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Edu Manzano, naiinip na bang magkaapo kay Luis?

by PEP Troika
Mar 20, 2018

JERRY OLEA: Poker-faced si Edu Manzano nang usisain namin kung naiinip na ba siyang magkaapo kay Luis Manzano.

“Mahirap kasi pag nabuntis si Luis, hindi makakapag-taping ‘yan, eh!” biro ni Edu sa first anniv ng Hazelberry Cafe ni Ara sa QC last Thursday, March 15.

Ngumiti si Edu at nagpatuloy, “No! Alam mo naman, iba na ang buhay ngayon. Let them decide. Iba na ang buhay...”


Continue reading below ↓

Next month ay 37 years old na si Luis.

Mukhang stable na ito sa buhay, lalo pa’t marami-rami na ang naipundar.

Ayon kay Edu, “Isa sa mga paraan... isa sa mga dahilan kung bakit ni minsan, hindi kami nagkaroon ng disgusto ng aming anak, hindi ko siya pinapakialaman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Because he’s very competent. He’s educated. Kaya na niya.”

Boto ba siya kay Jessy Mendiola para maging daughter-in-law niya?

“Kung sino ang gugustuhin ng anak ko, siyempre!” matamang bulalas ni Edu.

“Ang parents ay wala nang karapatang makialam.”

Nangulit kami... naiinip na ba siyang maging lolo?

“No. Not at all,” mabilis na tugon ni Edu.

“I’m just happy to see them happy. Yun ang pinakaimportante,” sabi ni Edu, na gaganap bilang bise-presidente ng bansa sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

GORGY RULA: Sa totoo lang, ang pinaka-excited sa lahat ay si Congresswoman Vilma Santos.

Noon pa man ay sinasabi niyang gustung-gusto niya talagang magkaapo kay Luis.

Continue reading below ↓

Ganundin naman si Luis. Atat na atat na siyang magka-baby.

Pero hintayin na lang daw niyang ready na si Jessy Mendiola.

NOEL FERRER: Long overdue na ang paglagay sa tahimik ni Luis, na mauunahan na ng pagpapakasal ng kaibigang Billy Crawford sa April 20 sa Balesin. (First read in PEP Troika)

You mean, kay Luis, since pinag-uusapan na ang baby, mauuna na ang anak kaysa sa kasal?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results