Barbie Forteza, namangha sa pa-abs ni Derrick Monasterio

by PEP Troika
Mar 21, 2018

JERRY OLEA: Four degrees Celsius ang temperatura noong Disyembre nang kunan sa Salento (Tricase, Italy) ang eksenang naghubad si Derrick Monasterio sa harap ni Barbie Forteza para sa pelikulang Almost A Love Story.


Nakaramdam ba si Barbie ng kahit konting init o nanlamig siya sa pa-abs ni Derrick?

Continue reading below ↓

Natatawang tanong ni Barbie sa katabing si Derrick sa presscon nitong Martes ng hapon, Marso 20, sa Marco Polo Ortigas, “Anong gusto mong isagot ko?

“Oo daw! Hindi... more than that, siyempre, hindi naman natin maiiwasan na mamangha sa katawan ni Derrick, di ba?

“Oo. Oo! Pero more than that, yung paghanga ko na in-accept niya yung challenge na gawin ang eksenang yun, na napakalamig!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Four degrees... lumubog siya sa tubig, so yun. Dun ako mas namangha sa kanya.

“Kasi, given na naman na hunk siya.”

Kumusta naman si Derrick nang lumubog siya habang topless sa pagkalamig-lamig na tubig

Tugon ng young actor, “Ahh... ano naman... ahh... masakit, kasi...”

Natawa ang mga tao sa presscon, lalo na si Barbie.

Paliwanag ni Derrick, “Masakit sa balat yun, pag sobrang sudden.

"Tsaka mas concerned ako noon, kasi wala akong belt noon.

“So, nalalaglag yung pants na hawak-hawak ko. E, maluwag yung pants ko!

Continue reading below ↓

“Pinatanggal ni direk [Louie Ignacio] yung brief ko, kasi may brand..."

Sa Abril 11 nakatakdang ipalabas ang pelikula, na nagtatampok din kina Lotlot de Leon, Matet de Leon, at Ana Capri.

Iprinodyus ito ng BG Films.

Ayon sa line producer na si Dennis Evangelista, ipapalabas ito sa HK at 32 cities sa Italy.

NOEL FERRER: Sanay na si Barbie sa hunks na magaganda ang katawan, katulad ni Derrick Monasterio at ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Ang hamon talaga rito ay: nahawahan ba ni Barbie ng husay sa pag-arte ang mga ka-partner niya para naman lalong gumaling sa mga respective projects nila?

That remains to be seen.

GORGY RULA: Kasi naman, proud na proud si Derrick sa maganda niyang katawan.

Sabi nga niya sa presscon ng Almost A Love Story kahapon, kaya may mga naglalabasang sexy photos niya dahil summer naman ngayon.

Kung sakaling mabibigyan siya ng magandang project na kailangan niyang magpa-sexy, tatanggapin niya dahil wala naman daw siyang ikahihiya sa kanyang magandang katawan.

Continue reading below ↓

Kagaya ni Derrick, diretso rin sumagot at walang kiyeme si Barbie.

Namimilog ang mata niya na sinagot ako ng “so much!” nang tinanong ko kung excited ba siya sa posibleng pagsasama nila ni Kris Aquino sa isang movie project.

Matutuloy raw pala yung pelikulang pagsasamahan nila para sa Iflix.

Nakausap namin ang isang taong involved sa production, mukhang si Barbie na nga ang kukunin nila sa proyektong ito.

Pero inaayos pa raw nila ang casting at pina-finalize pa lahat.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results