Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kris Aquino-Barbie Forteza horror movie, tuloy na?

by PEP Troika
Mar 21, 2018

JERRY OLEA: Na-excite si Barbie Forteza nang malamang makakasama siya ni Kris Aquino sa horror movie na gagawin nito para sa iFlix.


“Simula nung in-impersonate ko siya, ngayon ko na lang po siya ulit makikita,” masayang sambit ni Barbie nang mainterbyu namin sa presscon ng pelikulang Almost A Love Story nitong Martes, Marso 20, sa Marco Polo Ortigas.

Continue reading below ↓

Nakilala ni Barbie si Kris noong panahon ng My Little Bossing (2013).

Dagdag ni Barbie, “Sobrang excited, kasi magaling din yung direktor namin, si Direk Adolf [Alix Jr.]. Tapos, iFlix pa...

“And of course.... the Queen of All Media!”

So far ay walang natanggap si Barbie na negative feedback from Kris sa pag-i-impersonate niya rito sa Sunday PinaSaya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“They said, ako raw ang request (ni Kris)?” nanlalaki ang mga mata na sabi ni Barbie.

“Hindi ko alam kung pagagalitan niya ako or ano ba! Gusto niya akong makita ulit? Hindi ko alam!

“Pero I’m very thankful at binigyan niya ako ng chance para isama sa movie niya!”

Naka-PM namin si Direk Adolf nitong Miyerkules, Marso 21, habang nakasakay siya sa eroplano papuntang Switzerland, kung saan in competition ang pelikula niyang Madilim Ang Gabi sa Fribourg filmfest.

Ang nasabing Kris-Barbie horror movie, na hindi pa raw puwedeng ibunyag ang titulo, ang “first Pinoy film by iFlix.”

Continue reading below ↓

Aniya, “iFlix got me po to do it for them.”

Iyong AMO (12-part TV series directed by Brillante Mendoza, starring Derek Ramsay, Vince Rillon and Allen Dizon) ang unang Pinoy TV series na ipapalabas ng Netflix.

Sa iFlix, si Direk Adolf ang una sa Pinoy filmmakers.

“Good opportunities for Pinoy filmmakers to widen their reach,” komento ni Direk Adolf.

Tungkol sa pakikipagtrabaho kina Kris at Barbie, ang sabi ni Direk Adolf, “Exciting po because it will be my first time to work with them for a film, though I’d worked with Barbie sa GMA and for some of Ms. Kris’s online content.”

Nag-Viber kami nito ring Miyerkules kay Kris, at ang kanyang reply, “Nobody from iFlix has given me an update yet.

“I’m home next week after all my medical tests, pero they haven’t given me a storyline or treatment yet.”

Ang sabi ni Direk Adolf, inaayos pa ang shooting schedules, pero hopefully ay makapagsimula na sila ng principal photography sa Mayo o Hunyo.

Continue reading below ↓

Pahayag pa ni Kris, “Whenever this project will start I’m looking forward to working with new people.

“iFlix hasn’t confirmed with me that it is Barbie but she was in the short list of young actresses I want to share the screen with that I had given to iFlix & Direk Adolf.”

GORGY RULA: Ito yung nagkaisyu noon na ibibigay raw ng GMA-7 si Barbie basta sa kanila raw ang TV rights.

Wala raw ganung pag-uusap sabi ng isang taong involved sa production ng project na ito.

Basta sa ngayon ay naka-focus daw muna sila sa pre-production.

Kaya abangan na lang daw ang announcement nila kapag sisimulan na ang proyektong ito.

NOEL FERRER: Walang ganung pag-uusap dahil ang main consideration ng iFlix ay tapusin ang pelikula.

Wala sa hinagap nila ang TV rights na isang consideration sa pagsali ng mga contracted homegrown Kapuso stars.

So it’s a toss up between Barbie Forteza or Miles Ocampo.

Continue reading below ↓

Sino kaya ang pipiliin ng production at ng bidang si Kris Aquino?

Abangan natin ang mahiwagang announcement!

Kayo, sino ang bet ninyo?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results