London-bound Aicelle Santos, hinatid ni Mark Zambrano sa airport

by PEP Troika
Mar 22, 2018

NOEL FERRER: Kaninang 9 PM ang flight nina Aicelle Santos, Iroy Abesamis, Joaquin Valdes at ang asawa niyang si Agee Romero-Valdes papuntang London para sa unang rehearsals para sa Miss Saigon UK Tour.


(From left: Joaquin Valdes, Agee Romero-Valdes, Iroy Abesamis, and Aicelle Santos)

Balitang nag-exceed ng 20 kilos ang bagahe ni Aicelle dahil sa mga make up niya, sapatos, curlers at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Nagpadala si Joaquin sa PEP TROIKA ng exclusive photos at videos ng kanilang paalamanan sa airport, lalo na kina Aicelle at si Mark Zambrano.



Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Eto na ‘yon, ang moment ng pagkakalayo!

Dito na masusubukan ang tibay ng magkasintahang Aicelle at Mark, na nagkasundong magpakasal sa tamang panahon.

Abang-abang sa mga susunod na kabanata!

NOEL FERRER: Kung tutuusin, para silang mga Overseas Filipino Workers kaya lalo silang mapapalapit sa mga katulad nilang nagtatrabaho sa ibang bansa para hanapin ang magandang kapalaran.

Continue reading below ↓

Kasabay nito ay itinataas nila ang ating bandila sa pagpapatunay ng kagalingan ng mga Pinoy sa pagpe-perform sa world stage.

Para kina Joaquin at Agee, pagsubok itong lumago pa ang kanilang nasa ikalawang taon na pagsasama bilang kag asawa para bumuo ng pamilya abroad.

Si Aicelle, ang hamon ng long-distance relationship habang binubuno nila ang paghahanda ng kanilang kasal.

Lagi natin silang susuportahan at ipagdarasal.

GORGY RULA: Yes! OFW na rin silang maituturing.

Kaya sana makilala rin ang ating bansa na nakakapagdala ng mga magagaling na theater actors, hindi lang mga domestic helpers.

Ang impression sa ating mga Pinoy na DH ay masipag, maalaga, at maaasahan.

Sana makilala rin ang Pinoy theater actors na magagaling na world class performers.

Mabuhay ang mga artistang Pilipino!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results