Co-stars na "nagtitikiman," minamalas sa takilya?

by PEP Troika
Mar 23, 2018

JERRY OLEA: Hindi ko makalimutan ang pag-amin ng sikat at magaling na comedienne.

Aniya, “Malas sa pelikula pag nagtikiman ang mga artista.”

Semplang kasi ang big-budgeted movie na pinagtambalan nila ng sikat na action star, kung saan natukso silang magkaalaman ng galing sa halikan at lingkisan.

Ayon sa isang kaibigang manunulat, GABA ang tawag diyan.

Talaga lang, huh?!

Iyong pelikula ng sikat na comedienne at sikat na action star ay hindi kagandahan.

Mabagsik ang yamot factor ng pelikulang iyon, kaya hindi ako nagtaka na mahina sa takilya.

Naniniwala ba kayo sa GABA na iyan?

Meron bang pangontra riyan?

NOEL FERRER: “Don’t sh*t in your own backyard,” sabi nga, kaya medyo hindi nagiging blessed ang mga nagtitikiman na magkakatrabaho.

It comes in all forms.

Kahit na anong mind conditioning na malakas sa box-office results, maraming nagsasabing hindi kasing lakas ang isang pelikulang nagkatikiman diumano ang mga bida.

Walang ipinagkaiba 'yan sa isang komedyanteng nakibiyahe papuntang langit sa isa niyang co-star na news personality sa isang comedy show dati.

Continue reading below ↓

Ang ending, short-lived ang sitcom at acting career ng lalaki.

Short din ba siya, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Matagal na yun, Sir Noel.

Okay naman ang career ngayon ni male TV personality.

Hindi naman kasi talaga maiwasan ang mga ganung tikiman, lalo na’t halos araw-araw ay magkasama kayo sa shooting.

Kaya naman si Ai-Ai delas Alas, kapag meron siyang ginagawang pelikula, no sex daw talaga siya hanggang sa showing nito.

Naniniwala kasi siyang mamalasin lang ito.

Pero 'yan yung panahong hindi pa siya kasal.

Iba na siguro ngayon dahil may asawa na siya, di ba?

Ang dami ngang kuwentong nakakamalas kapag haluan ng kalandian ang isang project.

Kaya agree ako diyan na hindi talaga dapat ihalo 'yan sa trabaho.

Guilty nga ako diyan noon, 'no!

Pero bakit iba naman ang ginagawa ng dating sexy actress na lahat yata na leading men niya nakatikiman nito? Blockbuster hit naman halos lahat na pelikula niya.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa pa siyang magkuwento sa mga bakla kapag nagkatikiman na sila ng leading man niya.

Namayagpag nang husto ang career niya noon, at ang dali-dali niyang tikman ang mga type niyang lalaking nakatrabaho niya.

Baka yun na nga siguro ang balik ano?

Lumagapak nang matindi ang showbiz career niya, hirap na hirap na siyang makaahon muli, at ewan ko kung makakaalagwa pa siya kahit mother roles man lang.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results