Aicelle Santos, sinampolan si Mark Zambrano sa paggiling bilang bar girl sa Miss Saigon

by PEP Troika
Mar 23, 2018

NOEL FERRER: A day after his fiancée Aicelle Santos left for the Miss Saigon UK Tour, heto at consciously sumubsob sa trabaho ang GMA reporter na si Mark Zambrano.


Nagpakalayo siya para sa coverage ng Lubao Hot Air Balloon Festival sa Pampanga.

Iniisip niyang ang pinakamabisang pangontra sa kalungkutan ay pagiging productive at busy sa trabaho at paghahanda para sa kanilang kasal.

Continue reading below ↓

Ano ba ang masasabi niya sa pag-alis ni Aicelle at ano na ang nagawa nilang wedding preparations so far?


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Mark, “I’m always supportive of her plans.

"One year will come by too fast, this will be well worth it.

"This will be a big challenge for us as a couple, konting tatag lang ng loob."

Continue reading below ↓

Na-share ni Mark na bago umalis si Aicelle, they’ve talked to some of the ninongs and ninangs, but everything’s up in the air.

Pati yung date ng kasal, tentative pa.

“Depende sa mangyayari sa London.

"Puwedeng mag extend siya dun, if so, baka i-delay namin ang wedding.

"O kung mapaaga ang tapos niya dun, e, di adjust kami," dagdag ni Mark.

“Earliest, God willing is April next year.

"Definitely, a beach wedding, that’s as far as we’ve planned.

"We want the wedding to be really small—with just family and close friends there.

"Ganun naman kami, very basic people.

"So if we can do it that way, better,” Mark revealed exclusively sa PEP Troika.

JERRY OLEA: Isang taon pa para sa target date ng kanilang kasal.

Nawa’y sapat ang panahong iyan para sa kanilang paghahanda.

Kung ano man ang magaganap, inaasam natin ang makabubuti para sa kanila.

Best wishes!

GORGY RULA: Sa December ay malamang na may linaw na ang buong detalye ng kasalan nilang dalawa.

Continue reading below ↓

Yun ang break ni Mark para madalaw niya si Aicelle at mapanood ang performance nito.

Doon na raw nila ipa-finalize lahat dahil pagpasok ng 2019, sisimulan na nila ang preparation at pakikipag-coordinate sa suppliers.

Most likely, si Mark na lang ang mag-aayos nito lahat, dahil nasa UK pa niyan si Aicelle.

NOEL FERRER: Tungkol naman sa napabalitang kay Mark nag-ensayo si Aicelle sa kanyang pagsasayaw bilang bargirl na si Gigi sa Miss Saigon, heto ang sagot ni Mark:

“She did great, but I have to admit, it felt strange!

"Just a few weeks back, she was playing Elsa in Himala, and then the next thing I know, she was gyrating very gracefully in front of me as Gigi van Tranh!

"But Arnold Trinidad did an amazing job in getting her ready for the dancing part of the role, and I can't wait to see her in Miss Saigon!”

At least nauna nang nakita ni Mark sa paggiling ni Aicelle at siya pa ang ginalingang gilingan!

Continue reading below ↓

“Naku po! Hahaha!” naughty laughter na pagtatapos ni Mark.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results