Nawawala na nga ba ang dapat sana'y tradisyon tuwing Semana Santa?

by PEP Troika
Mar 24, 2018

JERRY OLEA: Makabuluhan ang pananaw ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa kaugnay sa Holy Week.

Aniya, “Ang Semana Santa ay sagrado sa amin ng pamilya ko. Hindi ito ang panahon para mag-party, mag-beach, magbakasyon, at makipag-inuman na kagaya ng ginagawa ng marami ngayon.

“Nag-iba na ang ugali ng maraming tao.

“Ito ay iginagalang ko hindi dahil sa relihiyon kundi dahil bilang pasasalamat sa ating Panginoong Jesus na ibinigay nang kusa ang Kanyang buhay upang tayo ay tubusin sa ating mga pagkakasala.

“Malalim at mahirap unawain. Pero kung naniniwala ka sa KANYA, at itinuturing mo Siyang tagapagligtas, huwag mong kalimutan ang Kanyang mga tinamong paghihirap alang-alang sa atin.

“May Pasyon din kami taun-taon. Panata. Marami nang hindi nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng Pasyon.

“Ito ay ang pagdadasal sa pamamagitan ng pag-awit hangang sa oras ng kamatayan ni Jesus. Isang tradisyong unti-unti nang nawawala.

“Kaya siguro napakagulo na ng ating mundo.”

Continue reading below ↓

Inusisa namin si La Oropesa kaugnay sa mga paniniwala at nakagawian ng Pinoy kung Holy Week, partikular ang pagpepenitensya at pagpapapako sa Krus.

May alternative medicine clinic ang aktres na isa ring licensed acupuncturist.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Lahad ng premyadong aktres, “Ang pagpako sa Krus pag Semana Santa ay may kanya-kanyang dahilan.

“May mga maysakit na mahal sa buhay na hinihiling na gumaling at bilang sakripisyo ay nagpapapako sa Krus.

Continue reading below ↓

“Mayroon namang may mabigat na kasalanan na humihingi ng kapatawaran.

“Ang pagpepenitensiya ay nakaugalian na ng mga Pilipino bilang pagpapakita ng pagpapakumbaba sa ating Panginoon.

“Ang hindi ko pinaniniwalaan ay ang bawal daw maligo pag Semana Santa!”

GORGY RULA: Kanya-kanyang paniniwala iyan. Kanya-kanyang pagpapahayag ng pananampalataya natin sa Diyos.

Wala namang bago sa mga sinabi ni La Oro.

Naisip ko lang, mas mabuti sigurong magmuni-muni ang mga JaDine fans na magpakakalma muna sila. Huwag na munang mang-away, mam-bash, bagkus magpaka-positibo para sa nalalapit na showing ng pelikulang Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre.

May sapat na panahon silang magdasal na maging maganda ang kalalabasan ng pelikula na magsisimula na sa March 31, Black Saturday.

NOEL FERRER: Alam niyo bang dini-discourage na ng Simbahan ang pagpapapako sa Krus dahil daw sa kung anong adverse effects nito sa katawan at buto-buto ng tao.

Ganun pa man, kahit ano’ng sabihin ni La Oropesa ay kanya-kanya pa rin ang mga tradisyon kapag Semana Santa.

Continue reading below ↓

Ang nahalaga lang ay, mangilin man o hindi, ay may pagbabalik-loob sa Diyos natin—at paggunita sa pagpapakasakit niya para tayo ay maligtas at mapunta sa buhay na mag-uli!

Aminin natin, sa showbiz, ang Holy Week at ang Kapaskuhan ang tanging mga Holidays na nag-slow down ang mga tao.

Maging makabuluhan nawa ang ating pag-observe nito!

Read Next
Read More Stories About
Elizabeth Oropesa, pep troika
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results