Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Manonood kaya si Bongbong Marcos ng Citizen Jake?

by PEP Troika
Mar 24, 2018

NOEL FERRER: Sold-out at full capacity ang U.P. Film Center para sa pangalawang public screening ng integral version ng Citizen Jake.

Dumalo ang dating star ng direktor na si Mike de Leon sa katauhan ni Charo Santos-Concio.

Nandun din ang boss ng Probe Productions na si CheChe Lazaro na isa sa mga nangasiwa ng pagpapalabas.

Among the stars, dumalo sa unang pagkakataon si Adrian “Luis” Alandy na kababalik lang mula sa European honeymoon nila ng kanyang asawang si Joselle.

Nandun din sina Ruby Ruiz at Jomari Angeles na nasa pelikula rin.

Kabilang sa mga artistang dumalo sina Edgar Allan Guzman, theater actor Bodjie Pascua, directors Phil Noble at Melvin Lee, manunulat Rody Vera, Leo Valdez, at Bela Padilla.

Hindi na nagkaroon ng open forum pagkatapos, pero masayang nakipagkamay at nagpasalamat ang mga kasama sa pelikula sa pangunguna ng direktor nila sa lobby.

Ang tanong, mapapanood na ba commercially at magkakaroon ba ng wide release ang matapang na pelikulang Citizen Jake?

Continue reading below ↓

Heto ang naging pahayag ni Mike de Leon sa kanyang post bago ng screening kagabi, “CITIZEN JAKE WILL BE SCREENED AGAIN TONIGHT AT 7PM AT CINE ADARNA, UP DILIMAN. WE ARE COUNTING ON YOUR SUPPORT, YOUR HELP, AND YOUR VOICE TO MAKE THE FILM REACH A WIDER AUDIENCE, IN ITS INTEGRAL FORM. MARAMING SALAMAT AT MABUHAY TAYONG LAHAT!”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nang may magtanong kung magkakaroon pa ng ibang screening date, sa UP man o sa labas nito, ang sabi lang ni Mike, “The 23rd may be temporarily the last sponsored screening date.

"We are preparing to submit the film to the MTRCB for classification. We shall see what happens after.”




GORGY RULA: Matutuwa si Atom Araullo kung matutuloy ang commercial screening ng Citizen Jake dahil iyun naman talaga ang hangad niyang mapanood ito ng mas nakararami.

Continue reading below ↓

Pero mapapalusot kaya ni direk Mike ito na ma-approve ng MTRCB without cuts?

Kahit si Atom ay ganundin ang gusto niya.

Bilang co-writer ng naturang pelikula, dapat buong-buo raw itong mapapanood ng lahat.

Samantala, nasalubong namin ang dating Senator Bongbong Marcos nang mag-guest ito sa isang programa sa DZRH, tinanong namin siya kung balak ba niyang panoorin ang Citizen Jake.

Wala raw siyang alam tungkol sa naturang peikula.

Nung ipinaliwanag namin sa kanya, at sinabi naming walang balak si Governor Imee Marcos na panoorin ito, napangiti na lang siya.

“Iyun ang tama,” sabi ni Senator Bongbong Marcos.

JERRY OLEA: “Iyon yata ang tamang sagot,” ang eksaktong sinabi ni Bongbong Marcos.

Gaya ng nasabi ko na, inaasam kong aprubahan ng MTRCB ang obra maestra ng henyong direktor.

Matapang ang pelikula? Puwes, R-18 siguro ang dapat classification nito.

Nang mapanood ko sa mga sinehan ang pelikulang The Shape of Water ay nanlumo ako dahil wala ang eksenang nagdudukit ang bidang babae.

Continue reading below ↓

Nagwagi kapagkuwan ang pelikula bilang best picture sa Academy Awards (Oscars).

Di ba, muntik na ring hindi maipalabas sa Pilipinas ang Schindler’s List ni Steven Spielberg noong 1994?

Akala yata ng nakaupo noon sa MTRCB ay Schindler’s Lust ito.

In fairness, “nakatulong” ang MTRCB upang ma-curious ang mas maraming Pinoy na panoorin ang naturang masterpiece ni Spielberg, na nag-best picture din sa Oscars.

Huwag sanang magmatigas ang MTRCB, at itulad ang Citizen Jake sa ilang local films na hanggang ngayon ay hindi pa naitatanghal sa local screens.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results