Female TV host/singer, may stage 1 breast cancer

by PEP Troika
Mar 25, 2018

GORGY RULA: Ngayon lang nakabalik sa trabaho ang maganda at seksing female TV host/singer pagkatapos niyang ma-confine sa hospital.

Nawindang siya nang nalaman niya sa doktor na meron siyang stage one cancer of the breast.

Hindi na lang niya ikinuwento kung anong treatment ang ginawa sa kanya, pero okay na raw siya ngayon at puwede na siyang magtrabaho uli.

Very positive naman si female TV host/singer na gagaling siya at maki-clear siya sa cancer dahil stage one pa lang naman ito, at nagpapagamot na siya.

Kapag okay na raw lahat, sasabihin na niya sa publiko ang pinagdaanan niya, at willing siyang tumulong sa mga proyekto on Cancer Awareness at ibabahagi niya sa lahat itong pinagdaan niya sa naturang sakit.

Hindi lang daw muna siya magsasalita sa ngayon dahil may mga endorsements siya na baka maapektuhan kapag malamang dumaan siya sa naturang sakit.

Naniniwala ang mga close friends niya na kaya siya nagka-cancer siya dahil sa sobrang stress sa dating asawang nanggugulo sa kanya kahit matagal na silang hiwalay.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Mabuti at naagapan ang breast cancer ng female TV host/singer.

Nawa’y makibahagi siya sa Kasuso Foundation o Philippine Foundation for Breast Care, Inc. (PFBCI).

Ito lamang ang “advocate and support group that operates and manages a breast care center in a public hospital.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Makakatulong sa mga Kasuso kung ang isang celebrity na tulad niya ay magiging aktibo sa mga proyekto nito. 

NOEL FERRER: Grabe rin ang pinagdaanan nitong lady celeb na ito.

Survivor talaga siya. Of immigration. Of relationships with Pinoys. Of various kinds: models, actors, politicians, hayyyyy. And now, of breast cancer.

Sana, she can finally find her happiness and peace.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results