Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ai-Ai delas Alas, may mensahe para sa Semana Santa

by PEP Troika
Mar 25, 2018

JERRY OLEA: Hiningan namin si Ai-Ai delas Alas ng mensahe kaugnay sa Holy Week.

“Lahat po tayo ay maghugas ng ating mga kasalanan,” seryosong sambit ng comedienne na Marian devotee at Papal awardee nitong Palm Sunday, Marso 25, sa Ai Sarap Express, Sgt. Esguerra St., QC.

“Sabi nga ng pari, ito ang time natin para humingi ng tawad sa ating Panginoon, and to give alms.

“Mag-ano tayo... mag-share nang mag-share.”


Continue reading below ↓

Pag Semana Santa, wala munang sex?

“Wala!” natatawang bulalas ni Ai-Ai.

“Kahit may asawa ka! Yun po ang abstinence.”

One week lang naman, di ba? “Oo! One week lang!”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Puwede na sa Easter Sunday?!

“Yes! Korek!” tili pa ni Ai-Ai.

NOEL FERRER: Ganyan yata ang panata at paniwala ni Ai-Ai.

Kapag may ipinapanalangin, dapat mangilin.

Bukod sa Mahal Na Araw, naikuwento niya sa akin dati na, kung ipinagdarasal niyang maging box-office hit ang pelikula niya, nagtitiis din daw siyang walang sex.

Talagang pangingilin din yun!

Ang nakakatawang tanong namin bale, paano yung mga hindi nag-hit na pelikula niya, anyare?

Marahil, hindi napigilang mag-dyug!

Sabay tawa nang malakas with the Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

GORGY RULA: Nakikitang Christ-centered ang relasyon nina Ai-Ai at Gerald.

Naimpluwensyahan ni Ai-Ai ang asawa niyang maging malapit sa Diyos.

Sinisikap ng Kapuso Comedy Queen na masunod ang utos ng simbahan dahil sa pagiging Papal Awardee niya.

Sayang nga hindi na talaga nakita yung medallion ng Papal award na isinuot niya sa kanilang kasal.

Continue reading below ↓

Hindi na naisoli sa kanya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results