Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Male singer at singer-actress, magkaroon kaya ng second chance at love?

by PEP Troika
Mar 27, 2018

NOEL FERRER: Sa isang kasalang dinaluhan ko recently, mayroong isang male singer na nananatiling single.

Tinanong ko siya kung ano'ng nangyayari sa kanya.

Ang sabi niya’y nasa retirement na siya at tumutulong na lang siya sa isang organisasyong nagpoprotekta sa mga karapatan ng mga gaya niyang musikero.

Marami rin siyang businesses na inaatupag at successful naman.

Natanong ko siya about his love life, sabi niya, break na sila ng doktora na siyang naabutan kong karelasyon niya.

Nasabi ko rin sa kanyang break na rin ang dati niyang ka-date na singer-actress kamakailan lamang.

“Kaya naman pala,” sabi ng male singer.

“Meron kasi akong follower na nag-tag pa ng message sa akin sa social media ko na nagsabing, 'Sana kayo na lang ni singer-actress ulit.'

"Nagulat ako kung saan nanggaling yun."

Nang maghihiwalay na kami ni singer, ang sabi niya, “Say hello to her from me, ha! I hope we can hang out again soon.”

Continue reading below ↓

Nangiti ako at kinilig (nang kaunti) dahil kasa-kasama ko itong dalawang ito noong sila’y nade-date pa noong mga bata pa kami.

JERRY OLEA: Love is lovelier the second time around.

Napatunayan iyan nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Nawa’y magkalapit muli ang mga puso ng male singer at actress-singer!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

GORGY RULA: Ready na kaya si singer-actress na pumasok sa panibagong relasyon?

Kung may napipintong balikan kina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, baka puwede rin mangyari kina singer at singer-actress.

Sana makatagpo na talaga si singer-actress ng tamang lalaki (as in tunay na lalaki) para sa kanya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results