NOEL FERRER: Habang nasa Baguio ako ngayon, bumabalik sa akin ang alaala ng mga pelikulang ginawa rito sa City of Pines.
Katatapos lang ng Gawad Cine Turismo ni Cesar Montano, at parang isa sa magiging magandang proyekto ang naisip namin ni Gabe Mercado, na residente na rito sa Baguio, na gumawa ng Baguio Film Tour, kung saan may walking trip sa mga location na ginamit sa memorable Filipino films natin.
Noong una, dahil era natin, Sharon Cuneta Baguio Tour muna.
Kasama diyan ang mga location ng mga pelikulang Friends In Love, Sa Hirap At Ginhawa, Ngayon at Kailanman, atbp.
Sharon Cuneta & Gabby Concepcion in Ngayon at Kailanman
Pero meron pang ibang genre tulad ng horror na White Lady ng Regal, ang teen-youth movie na Bagets ng Viva.
At siyempre, ang mga iconic location ng Kung Mangarap Ka’t Magising at Citizen Jake ni Mike de Leon.
Christopher de Leon and Hilda Koronel in Kung Mangarap Ka't Magising
Ang saya kung matuloy ito!
May naaalala pa ba kayong ibang pelikulang shot in Baguio?
The latest that I know is Kiko Boksingero sa nakaraang Cinemalaya.
Sana kapag nagawa na ito, magawa rin ang ibang film tours sa ibang lugar sa ating magandang bansa.
JERRY OLEA: Oh, yes, Tito Noel! Marami pang iba, gaya ng indie film ni Direktor Lucas Mercado na Hiram na Ama;
Nakaw Na Pag-ibig (1980) nina Nora Aunor, Hilda Koronel at Phillip Salvador;
One More Try (2012) nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo;
Angel Locsin & Zanjoe Marudo in One More Try
Ang 2014 Cinemalaya entry ni Gretchen Barretto na The Diplomat Hotel;
Above The Clouds (2014) nina Ruru Madrid at Pepe Smith;
Labs Kita... Okey Ka Lang (1998) nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin;
Nasaan Ka Man (2005) nina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether Ocampo;
Don’t Give Up On Us (2006) nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual;
Judy Ann Santos and Piolo Pascual in Don't Give Up On Us
Halik sa Hangin (2015) nina Julia Montes, Gerald Anderson at JC de Vera;
Baguio Fever (1959) nina Nida Blanca at Nestor de Villa;
Baby Love (1995) nina Jason Salcedo at Anna Larrucea;
Sa Init ng Apoy (1980) nina Rudy Fernandez, Lorna Tolentino at George Estregan;
Alapaap (1984) nina Tanya Gomez, William Martinez, Isadora, Michael de Mesa at Mark Gil;
More & more ang local movies na nag-shooting sa Baguio!
Eh, kasi namin, bonggabella ang klima rito.
Ang sasarap pa ng mga gulay!
GORGY RULA: Sana maayos at mapanatiling malinis ang Baguio. Pati ang security nito, para proteksiyon na rin sa ating mga turista.
Pero kung magagawa niyo itong Baguio Film Tour, Sir Noel, puwedeng pumatok lang ‘yan sa mga local tourist na mahilig sa mga pelikula natin.
Wala namang kamalay-malay sa local films natin ang karamihan ng foreign tourists.
Hindi kagaya ng Harry Potter Walk sa London at ang mga Koreanovela sa South Korea na sikat na sikat na sa mga Asian countries at pati sa Amerika.
Sa totoo lang, marami pa tayong magagandang lugar na puwedeng gamitin sa mga pelikula para mapasikat sila.
Kaya ini-encourage ni Cesar Montano ng Tourism Promotions Board ang film producers na gumawa ng tourism films para ma-promote ang iba pa nating tourist destinations.
Marami pa pong magagandang tanawin sa Cagayan, Marinduque, Siquijor, Bicol, Iloilo, at iba pa.