Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Fortysomething actor, di na matutuloy ang kasal sa 19-year-old BF

by PEP Troika
Mar 28, 2018

JERRY OLEA: Pumapag-ibig muli ang fortysomething actor na ilang taon nang nakabase sa Amerika.

Sa unang pagkakataon, magpapakasal siya sa katulad niyang half-Filipino, half-Caucasian.

Pogilicious & yummylicious ang aktor, na sumikat sa isang toothpaste commercial noong ‘80s.

Sa kanyang post sa Facebook noong Marso 21, Miyerkules, nagpasalamat ang aktor sa mga ex-boyfriend niyang "gago."

“Kung hindi sila gago, hindi ko sana matatagpuan ang tunay kong pag-ibig,” sabi ng aktor na nag-uumapaw ang ligaya sa puso.

“Sa wakas, meron na akong mamahalin at aalagaan nang totoo.

“Napakasarap na malasap ang ganitong pag-irog!”

Meron nang engagement rings. Bvlgari!

Siyempre, happy para sa kanila ang friends nila.

Nag-PM kami sa aktor at humingi ng pictures nila ng kanyang BF.

Reply niya, “He isn’t out yet sa family niya. Although love ako ng family niya, he hasn't talked to them yet about us.

“I told him many times na alam ng family niya. Kasi, love na love ako ng buong family niya. At alam ko naman, hindi sila tanga.

Continue reading below ↓

“So, let's wait muna na mag-out na siya. He is only 19.

“Hindi rin niya alam edad ko. Pero sasabihin ko rin soon.

“Akala niya, 25 lang ako. Hindi sa akin galing ‘yan. ‘Yan lang hula niya. LOL!”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Marso 27, Martes Santo, humingi kami ng update kaugnay sa engagement nila.

Nagulat kami sa balita ng aktor na nakipaghiwalay na siya sa kanyang kasintahan.

NOEL FERRER: Ay, parang teleserye lang pala ang buhay ng dating actor-commercial model na maraming upheaval of emotions.

Sana naman ay nagkabalikan sila at matuloy ang engagement at sana nga tunay na pagmamahal na ito.

Ano kaya ang masasabi rito ng dati niyang “kaibigan” na taga -That’s Entertainment na tumagal din ang kailang partnership?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results