Ex Battalion, di pa makaraket sa abroad dahil walang passport ang karamihan sa kanila

by PEP Troika
Mar 28, 2018

JERRY OLEA: As of Holy Wednesday, March 28 ng umaga, naka-44.5M views na sa YouTube ang official music video ng "Hayaan Mo Sila" ng Ex Battalion.

Iyong "Come With Me" video nila ay naka-26.8M views na sa YT.


Ngayong Semana Santa sana ang shoot ng ExB (taguri sa hip-hop group na mina-manage ni Ai-Ai de las Alas) sa bagong music video nila para sa Frontrow International.

Continue reading below ↓

Gusto sana ng Frontrow leader na si RS Francisco na sa iba’t ibang Asian countries sila mag-shoot.

Kaso, sa anim na members ng ExB ay dalawa lang ang may passport.

Kaya after Holy Week na ang shoot ng music video... sa Subic.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Madalas na sa mga probinsiya na muna rumaraket ang ExB.

Pinaghahandaan kasi ni Ai-Ai ang malaking pagtatanghal ng grupo sa Kamaynilaan sa Hulyo.

Kung ano’t ano man, pinapag-apply na ni RS ng pasaporte ang apat pang members ng ExB, at pinapa-block off ang isang linggo sa Nobyembre.

Bilib na bilib si RS sa ExB, at gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang lalong sumikat ang grupo.

NOEL FERRER: Sa husay ng ExB na mag-rap at kumanta nang ibang klase, paano kaya kung maimbitahan sila ng manager nilang si Ai-Ai delas Alas na pumunta at makibahagi sa kanilang taunang pabasa?

Baka may sariling touch at interpretasyon sila sa pasyon, na ginagawa na ngayon sa Balagtasan.

Continue reading below ↓

This way, nako-contemporize at napo-popularize ang Salita Ng Diyos nang hindi naman nadi-desecrate.

Bukas na kaya tayo sa ganito?

GORGY RULA: Na post minsan ni Ai-Ai na nagpa-picture na ibang members para sa passport.
Mukhang makakaraket na sila abroad.

Nakakatuwa si Ai-Ai, na nag-aabala pa siyang tumulong na i-manage ang ExB, dahil nagagalingan siya sa grupong ito.

Puwede naman siyang manahimik na lang, e. Pero nandiyan siya para tumulong para sa mga promising na talents.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results