Bianca, Ehra, at iba pang survivors, tatlong oras nagpalutang-lutang sa dagat bago nasagip

by PEP Troika
Mar 30, 2018

NOEL FERRER: Sa napabalitang aksidente sa laot sa Antique na sangkot sina Bianca Manalo at Ehra Madrigal, nakakuha ng update ang PEP Troika mula sa manager/mentor ni Bianca Manalo na si Jonas Gaffud.

“The speedboat they were on capsized off the coast of Antique. They were in shark infested area. And survived for three hours amidst strong waves,” sabi ni Jonas.

Nandun sila sa imbitasyon ng kaibigan nilang mayor ng Pandan Antique na si Jonathan Tan.

Nang tanungin ko si Jonas kung nakabalik na si Bianca sa Manila, ang sabi niya, “She is still there. But she was able to go to church already today. She was still crying when we were talking.”

Sana nga ay okey na ang kalagayan nina Bianca at Ehra at ang mga kasamahan nila sa tumaob na speedboat.


Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Ibayong ingat ang kailangan sa mga nagbabakasyon ngayong panahon ng Semana Santa.

GORGY RULA: Dalawang insidenteng kinasangkutan ng mga kilalang celebrities.

May iba pang aksidenteng nagyari sa kalye, kaya lalong pinag-iingat ang mga bakasyunista.

Pero nakaugalian na kasi na tuwing Semana Santa ay ginawang araw ng bakasyon, hindi araw ng pagtitika.

JERRY OLEA: Naalala ko ang namayapang talent manager na si Tito Dougs (Douglas Quijano).
Biyernes Santo noon, nag-Boracay siya kasama ang ilang alaga.

Tumaob ang kanilang bangka.

Walang namatay. Pero na-trauma si Tito Dougs at mula noon, hindi na nag-dagat kung Good Friday.

"Iyong mga nagliliwaliw sa dagat habang naghihirap si Kristo at kapagkuwan ay namatay, ingat-ingat sa bangis o galit ng mga alon. Baka ma-Biyernes Santo kayo!" sabi ng kaibigang Dr. Rex Gaculais, na kasama namin sa Visita Iglesia sa Ilocos Region at Cagayan Province.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results