Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Biggest stars ng Kapuso network, nagpasikat sa New Jersey

by PEP Troika
Apr 8, 2018

GORGY RULA: Nag-perform nitong Sabado ng gabi, April 7 (US time), ang big stars ng Kapuso Network na sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Betong Sumaya, at Alden Richards sa Newark Symphony Hall sa New Jersey, USA.

Ayon sa aming source na nandun sa event, marami raw ang nanood at tuwang-tuwa nang lumabas na ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.

Si Dingdong ang isa sa excited sa show nilang ito sa Amerika dahil matagal-tagal na rin daw niyang hindi ito nagagawa.

“Matagal ko na siyang hindi nagagawa, e, and I’m very excited to do this in front of our Filipino audience,” pahayag ni Dingdong bago umalis pa-Amerika.

May pasabog naman daw na dance number sina Jennylyn at Lovi, magpapatawa si Betong, magpapakilig din si Dennis, at siyempre buo pa rin daw ang suporta ng AlDub fans sa Amerika para kay Alden.

Ilan sa mga kaibigan naming nanood sa New Jersey ay hinahanap daw ang ibang Kapuso young stars.

Continue reading below ↓

Sana mapanood din daw nila si Derrick Monasterio.

Bukod sa Amerika, nakatakda ring mag-perform ang ilan pang Kapuso stars sa Canada.

NOEL FERRER: May mga kakilala rin akong nabiyayaan ng compli tickets na ang hinahanap naman ay ang trio nina Regine Velasquez, Christian Bautista, at Julie Ann San Jose na pawang mga concert artists.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pang-fans daw talaga ang show ng Kapuso na ito na may touch ng mga Fiesta Balik-Saya program noon daw.

Sana nga lumawak pa ang fan base ng mga Kapuso stars, mapa-regional man o international tulad nito!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Kapuso Stars
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results