Gabby Concepcion, ibinuking ang dating relasyon ni Snooky Serna na walang closure

by PEP Troika
Apr 11, 2018

GORGY RULA: Sa darating na Sabado, April 14, ay mapapanood na si Gabby Concepcion sa Celebrity Bluff bilang Master Bluffer kasama sina Boobay at Brod Pete.


Siya ang ipinalit kay Edu Manzano na napapanood na sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Isa sa mga episode na itinape ni Gabby, guests ang magpa-partner na sina Ruffa Gutierrez at Donita Rose, Snooky Serna at Sunshine Cruz, at sina Arianne Bautista at Mel Martinez.

Continue reading below ↓

Nag-enjoy raw si Eugene Domingo at ang production staff pati ang audience sa mga pambubuking ni Gabby sa ilan sa mga guest.

Parang ang original manager daw niyang si Manay Lolit Solis ang style ni Gabby sa galing niyang mag-reveal ng mga nakaraan ng mga guest na nakatrabaho niya.

Sinabi kasi ni Uge na ang pagkakaalam niya ay sina Gabby at Snooky ang unang love team.

Kaagad daw sumagot si Gabby ng: “Naging love team, pero hindi naging kami. Alam ko kung sino ang kay Snooky, pero wala silang closure.”

Dagdag na kuwento ng aktor, “Kunwari ako si… 'Sorry na kasi ipinagpalit kita.'”

Sagot naman ni Snooky, “Ang sakit naman ng ipinagpalit.” 

Hirit ni Gabby, “Di ba, yun ang kuwento mo sa akin? Sino yun, si Albert [Martinez]?” 

Ini-reveal naman daw ni Gabby na siya ang first kiss ni Donita Rose sa pelikula.

Kaagad na kinontra raw ito ni Donita.

Aniya, “Actually, unang ipinalabas ang movie namin ng Reycard Duets so, technically, si Carding. Second ka.”

Continue reading below ↓

Pero nang binanggit daw ni Ruffa na simula pa lang ay Sharon-Gabby fan siya, ngumiti na lang ang aktor at hindi na umimik.

JERRY OLEA: Wow! May regular TV show na si Gabby pagkatapos ng top-rating drama series na Ika-6 Na Utos!

Ayon sa aming gorgeous source, nag-enjoy ang production staff kay Gabby dahil wala itong kiyeme.

Si Gabby mismo ang nag-volunteer sa sketches nila.

Pinagbigyan ni Gabby ang audience na gustong magpa-picture sa kanya. Sulit ang talent fee niya!

NOEL FERRER: Buti naman at mayroon agad show si Gabby at hindi siya mababakante.

Sana huwag na rin gawing issue na baka magkatapat pa nga ng timeslot ang mga show nila ni Sharon na magkakaroon naman ng bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids sa ABS-CBN.

Now that the Sharon-Gabby movie is officially off, Sharon will have a replacement movie with Star Cinema.

While si Gabby, gaano katotoo na gusto na raw mag-produce ng sariling pelikula?

Continue reading below ↓

Abangan natin ‘yan!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results