Citizen Jake, paano tatanggapin ng millennials na di naranasan ang martial law at EDSA Revolution?

by PEP Troika
Apr 11, 2018

JERRY OLEA: R-13 (no cuts) ang classification ng pelikulang Citizen Jake, na pinagbibidahan ni Atom Araullo.


Post iyon sa Facebook ng official page ng movie nitong Miyerkules, Abril 11.

Ang sabi ng producer at direktor na si Mike de Leon, “We would like to express our deepest gratitude to all those who have supported and are still supporting CITIZEN JAKE.

Continue reading below ↓

“May the film now be allowed to reach a wider audience.”

Sa Friday the 13th (April 13) ng 7 PM ay may screening ang movie sa UP Los Baños.

Sponsored ang nasabing screening ng fraternity na Upsilon Sigma Phi, kung saan kabilang sa brothers sina Pangulong Ferdinand Marcos at Ninoy Aquino.

Wala pang playdate ang pelikula.

Ilang sinehan kaya ang pagpapalabasan nito sa buong bansa?

GORGY RULA: Kung nalusutan ng Citizen Jake ang MTRCB, paano naman kaya nila haharapin kung sakaling may aksyong gagawin ang pamilya Marcos?

Sabi nga ni Gov. Imee Marcos, lahat naman may karapatang magpahayag ng sarili nilang pananaw.

Ganundin sila na puwede ring magpahayag ng sarili nilang bersiyon o ipagtanggol ang kanilang pamilya.

Pero sabi naman ni Gov. Imee at ni dating Sen. Bongbong Marcos, wala silang balak panoorin ang naturang pelikula.

Kaya wala silang hakbang na puwedeng gawin laban sa pelikula kung hindi nila ito panonoorin.

Sana matuloy ang showing nito para malaman natin kung paano ito tatanggapin ng millennials na hindi man lang na-experience ang martial law at EDSA Revolution.

JERRY OLEA: Sinabi ko noon pa na dapat aprubahan ng MTRCB ang pelikulang Citizen Jake.

Aba! R-13 pa ang classification, hindi R-18!

Noon pa man ay marami nang pelikula at palabas sa TV na tumuligsa sa mga Marcos.

Continue reading below ↓

Pero hayan at naihimlay si Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Gobernadora si Imee Marcos sa Ilocos Norte. Congresswoman si dating First Lady Imelda Marcos.
Kumandidato si Bongbong Marcos bilang Bise Presidente.

Bulung-bulungan na ang younger generation ng mga Marcos ay sasabak na rin sa pulitika.

Abangan natin kung mainit ba ang magiging pagtanggap ng masang Pinoy, partikular ang millennials sa Citizen Jake, o karamihan sa kanila ay babalewalain ito.

GORGY RULA: Ayon sa nasagap naming kuwento, kung matutuloy ang pagtakbo ni Gov. Imee bilang Senador sa 2019 elections, may isang anak daw siyang patatakbuhing governor.

Hindi raw ito si Borgy Manotoc dahil ayaw nito talaga ng pulitika.

JERRY OLEA: Narinig din namin iyan, Gorgy, nang magbakasyon kami sa Pagudpud, Ilocos Norte noong Holy Week.

Sayang at nagkasalisi kami ni Governor Imee sa pag-Visita Iglesia noong Huwebes Santo sa St. Jude Thaddeus Parish ng Pagudpud, kaya hindi namin siya nausisa tungkol diyan.

Continue reading below ↓

Pero makikibalita tayo sa isang kaibigan, na isa sa campaign managers ni Gov. Imee.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results