Sino ang susunod na John Lloyd Cruz?

by PEP Troika
Apr 15, 2018

NOEL FERRER: Naganap kagabi at naging head tayo ng jury sa 1st Western Union Pinoy Superstar Search, the biggest online singing competition in the Gulf. At nakita ko na tinatanggal mismo ng mga events organizers ang mga print collaterals nila kunsaan nandun si John Lloyd Cruz. Actually, hanggang end of April pa ang kontrata ni John Lloyd bilang endorser nila, at may three months drying period pa—meaning may hanggang July pa sana sila para gamitin ang mga ads na naroon siya. Pero nagkasundo na yata silang iwas na lang muna kay Lloydie ang brand, kahit may isang country tour pa raw yatang kulang sa kanyang scope of work niya bilang endorser. As of now, naghahanap na ang brand ng papalit kay John Lloyd bilang endorser. Tungkol naman sa naganap na kompetisyon kagabi, ang nanalo ay si Karl Aris Tanhueco (na dating sumali sa The Voice Philippines) bilang unang Pinoy Superstar sa Middle East. Napakalaki at successful ng search na ito kaya may kasunod na agad next year.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Sino kaya ang papalit kay John Lloyd Cruz bilang endorser ng money transfer service? Si Joshua Garcia kaya? Noong Abril 2 pa nag-birthday si Ellen Adarna. Hanggang ngayon ay hindi pa natin nababalitaan ang “pasabog” na kasalan nila ni Lloydie. Biniro namin noon si Manay Lolit Solis. Sabi namin, baka hindi na pakasalan ni JLC si Ellen, para lang patunayan na “fake news” ang ipinangalandakan niyang wedding preparations.

GORGY RULA: Totoo kaya ang nakakarating na kuwento na sinasabi na raw ni John Lloyd na ayaw na raw niyang balikan ang showbiz? Kung totoo man yun, mapapanindigan niya kaya? Pagdating sa endorsement, I'm sure alam naman ni Lloydie ang consequence ng mga ginawa niya. Alam naman niya sigurong hindi na siya babalikan ng ilang mga produktong ini-endorse niya. Kaya bentahe ito kay Joshua Garcia na sa totoo lang mas magaling pa kay John Lloyd umarte. Congratulations pala sa nagwagi sa Pinoy Superstar Search. Kahit saan, nangingibabaw pa rin ang talentong Pinoy!

Continue reading below ↓


Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, pep troika
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results