NOEL FERRER: Noong isang taon, natanggap ni Rachelle Ann Go ang best gift sa kanyang 31st birthday: ang engagement ring mula sa kanyang American boyfriend na si Martin Spies sa Boracay Island.
September 5 yun.
Ngayon naman, nakabalik na siya sa bansa para sa kanyang kasal na gagawin mismo sa Boracay din sa April 19.
Noong April 14 ay nagkaroon siya ng pictorial para sa isang magazine cover.
Pero nag cut-off siya ng 6 PM dahil may bridal shower daw siya, na nang lumaon ay naka-post sa iba’t ibang social media accounts, lalo na sa Cornerstone management ni Shin (tawag kay Rachelle Ann).
Nasa Bora na si Shin para sa kanyang kasal kay Martin na isang business executive working for an American luxury fitness company, Equinox, sa New York.
Balitang palipad na rin doon ang mga kaibigang Singing Champions ni Shin kasama na si Sarah Geronimo, pati na si Mark Bautista.
Magandang abangan ang reunion nila with their fellow champions.
Expected na dumalo rin si Christian Bautista, ex-boyfriend ni Shin na ikakasal din later this year kay Kat Ramnani.
Manggagaling naman si Christian sa Dagupan, kunsaan nag-concert siya with Regine Velasquez at Julie Anne San Jose.
Congratulations at best wishes kina Martin at Rachelle Ann Go Spies!
JERRY OLEA: Nang mag-guest noon si Mark Bautista sa Saturday night radio program ni Noel Ferrer sa Radio Inquirer, nabanggit niyang Abril ang kasal ni Rachelle Ann.
At least, hindi apektado ang kasal ni Shin sa “pagpapasara” sa Boracay.
Nabalitaan namin na maraming events sa Bora ang naudlot, kaya nire-refund ang mga bayad, halimbawa’y sa air fare.
Meron nga raw nakatakdang wedding sa Bora ang na-postpone. At any rate, best wishes kina Mr. & Mrs. Spies!
GORGY RULA: Ay, nakakatuwa naman!
At least, may pasabog pa ang Boracay bago ito pansamantalang isara.
Pagkatapos ni Rachelle Ann, susunod si Christian, at si Sarah na kaya ang kasunod?
Nang kinanta raw ni Sarah sa concert niya ang “Leaving On A Jet Plane,” nag-joke pa raw siyang "I will come back with the wedding ring."
Sa kanya kaya ang joke na yun o baka naman ang wedding ni Rachelle Ann ang tinutukoy niya?
NOEL FERRER: Ang cute naman nung wedding ring na joke ni Sarah sa concert!
Kung kay Shin man yung wedding ring na yun o paghahanda ng ring niya galing kay Matteo Guidicelli, masayang balita pa rin yun!
The good thing also is, nanood din kagabi ng concert ni Sarah ang boyfriend niyang si Matteo!