Ryan Bang, aminadong crush si Kim Chiu pero di daw niya liligawan

by PEP Troika
Apr 18, 2018

JERRY OLEA: Nanindigan si Ryan Bang na totoong crush niya si Kim Chiu, na katambal niya sa spooktacular movie na DOTGA (Da One That Ghost Away).

“Pero hindi ko naman siya liligawan,” kaswal na sambit ng 27-anyos na Korean actor-TV host.

“Crush lang. Siyempre, di ba, may relasyon naman sila ni Xian [Lim].

"Ayoko naman guluhin. Respeto ko naman yun.

“Ambait naman ni Kuya Xian. E, ano lang yun... crush lang. Andiyan lang naman ako.

“Maganda rin yun para sa pelikula.”


Continue reading below ↓

Sana, maka-partner din niya si Sandara Park sa isang proyekto.

“Sana, pumayag siya,” pakli ni Ryan.

“Pero si Sandara naman, doon [South Korea] siya nagwu-work.

"Di ba, nag-contract signing na siya sa Korea?"

Papunta-punta naman si Sandara sa Pilipinas.

“Bakasyon-bakasyon. Pero hindi naman siya nagwo-work dito.”

Sino pa ang gusto niyang maka-partner?

Mabilis na sagot ni Ryan, “Hindi ako choosy. Hindi ko kayang mapili.

"Kasi, hindi naman ako yung skills ko na sobrang galing kong umakting na para ipili ko ang mga leading lady ko.

“Sobrang gwapo ba ako? Hindi naman ako ganun. Basta kung sino ang darating sa akin, syempre...”

Bilang Koreano, halos araw-araw na kumakain si Ryan sa kimchi. Alin ang mas kahihiligan niyan, kimchi o Kim Chiu?

“Kim Chiu... sa ngayon!”

GORGY RULA: Dito naman ako napapabilib sa ABS-CBN dahil magaling sila mag-timing kung kelan nila bibigyan ng chance ang mga artista nila para magbida sa isang project.

Continue reading below ↓

Matagal na ring nagsu-support at kung anu-ano lang ang pinapagawa kay Ryan.

Ngayon lang nila pinakawalan na tingin nila puwede nang magdala ng isang film project, kagaya nitong pelikula nila ni Kim.

Ang ganda rin ng kumbinasyon nila ni Kim sa horror-comedy na ito.

Ang Star Cinema lang din ang magaling mag-promote ng pelikula kaya karamihan sa mga pelikula nila, di sumasablay sa takilya kahit di naman kagandahan.

Tingnan natin kung eepek pa rin dito sa Da One That Ghost Away na magbubukas na ngayong araw, April 18.

Tantiya ko diyan, mababa ang P5M sa first day of showing nito, lalo na't suportado ito ng It's Showtime family.

NOEL FERRER: As DOTGA opens today, a horror-comedy, summer barkada movie, with the right hype and promo plus stars na puro lang good vibes, sana umokey ang pelikula.

If this will be a hit, Ryan Bang will be a bankable star for movies na.

Continue reading below ↓

Matagal din niyang hinintay ito.

Remember, pati si Mother Lily was fond of him before, pero nang hindi umubra ang unang projects niya sa Regal, hindi na nasundan ito.

All they need is the right project.

As for Kim Chiu, after The Ghost Bride to Da One That Ghost Away, aprub kay Kris Aquino na Horror Princess si Kim.

If this becomes a hit, puwede na siya talagang isalang sa mga projects na walang Xian.

Good luck sa pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results