NOEL FERRER: Lumipad na noong kamakalawa papuntang Discovery Shores Boracay sina Sarah Geronimo kasama ang mga taga-Cornerstone, led by Erik Santos, Kyla, and the staff of Erickson Raymundo (na nag-birthday din dun) para sa kasal nina Rachelle Ann Go at Martin Spies.
“Home for the next 3 days” ang sabi ni Erik sa kanyang IG stories, kahit na nauna nang naibalita na sa April 19 ang kasal nina Rachelle Ann at Martin.
Nandun din pero nasa ibang resort si Mark Bautista.
Inasahan din ang pagdalo ng ex-boyfriend ni Shin na si Christian Bautista na nakatakda ring pakasal later this year kay Kat Ramrani.
Naganap na nga ngayong araw, April 18, ang pag-iisang dibdib nina Martin at Rachelle Ann Go-Spies.
Our best wishes and congratulations!!!
After Shin and Martin’s wedding, susunod naman sina Billy Crawford at Coleen Garcia on the 20th sa Balesin Island.
NOEL FERRER: It looks exactly like the ShangriLa Boracay wedding of Maxene Magalona and Robby Mananquil, simple and solemn na Christian rites.
Secondary sponsor si Sarah Geronimo at ang kapatid ni Rachelle Ann na si Oz Go.
Ninang si Regine Velasquez-Alcasid, samantalang ninong naman si Bobby Garcia.
GORGY RULA: Hindi pala nakarating si Christian Bautista?
Medyo awkward ba na dumalo sa wedding ng ex-girlfriend?
Dumalo naman pala si Mark Bautista.
Kaya curious ako kung nagkatsikahan ba sila roon ng taga-Cornerstone na ka-partner ni Piolo Pascual sa Spring Films.
Ang balita ko kasi, hiwalay si Mark ng resort na malayo sa grupo ng Cornerstone.
Nakita ko lang sa IG account ng singer na mga peacock ang kasama niya.
At nasa caption pa niya, na-obsess daw sa peacock, ha? Hahaha!
JERRY OLEA: Ang daming nagsulat o nag-report na Abril 19 (birthday ni Erap) ang kasal nina Rachelle Ann at Martin.
Ang alam namin ay ang colleague na si Jun Lalin lamang ang nagsulat na Abril 18 ang kasal, at ang source nito ay isa sa mga ninang ng wedding.
Sabi ng aming gorgeous source, in-announce ni Rachelle Ann sa photo shoot niya para sa bridal issue ng isang magazine na kesyo Abril 19 ang pag-iisang dibdib nila ni Martin.
Bakit kailangang manlinlang sa petsa ng kasalan?
Meron bang maghahabol doon?