Ysabel Ortega, mas close sa stepfather kesa sa tunay na amang si Lito Lapid

by PEP Troika
Apr 23, 2018

JERRY OLEA: Mas malapit si Ysabel Ortega sa stepfather na si Police General Greg Pimentel kesa sa biological father na si Lito Lapid.

Ang 19-anyos na si Ysabel ay anak ni Lito sa singer-actress na si Michelle Ortega.


“Super-close po kami ng mommy ko talaga,” maayang nakangiti na sabi ni Ysabel nitong Abril 23, Lunes, sa presscon ng teleseryeng Araw Gabi sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

Continue reading below ↓

“Ever since, I’ve been very open na sobrang mag-best friend po kami, and sobrang supportive ni Tito sa mga project ko.

“And I’m very greatful na nandiyan po siya para sa amin.”

Nitong Enero 10, 2018 ay ikinasal sa Baguio City ang kanyang ina sa kanyang Tito Greg.

Close ba siya kay Lito?

“Matagal na po kaming hindi nag-uusap ni Papa,” kaswal na sambit ni Ysabel, bagama’t may naramdaman kaming lungkot sa kanyang pagsasalita.

“Pero, ahm... of course, I’m still here, I look up to him. Isa po siya sa role models ko, and talagang...

“I still love him, and I look up to him po. There’s nothing but love.”

May communication ba siya sa kanyang mga kapatid sa ama?

“Ahm... hindi po masyado, eh. More of my dad [stepfather] talaga yung nakakasama ko before.

“Sobrang bait po ni Tito Greg sa akin. Sobrang thankful po ako na he’s treating me as if I’m his daughter.

Continue reading below ↓

“Nothing but love po,” nakangiti pa ring sabi ni Ysabel, na medyo gumaralgal ang boses.

NOEL FERRER: Nasa iisang istasyon lang naman sila, sana’y magawan ng paraan at magkita at magkaroon ng mas maraming bonding time ang mag-amang Ysabel Ortega sa tatay niyang si Lito Lapid.

Balitang tatakbo ulit bilang senador si Lito, sana’y mabigyan din niya ng oras ang kanyang anak dahil ang hanap natin sa leader ay yung may consistency ang pagpapaunlad at pagtataguyod ng pamilya at sa bayan!

GORGY RULA: Nasaksihan ko ang closeness ng mag-inang Michelle at Ysabel sa kasal ng una.

Aligaga si Ysabel sa pag-ayos ng buhok, minsan ang gown ng mommy niya.

Sa exchange of vows, hindi napigilan ni Ysabel na maluha habang nagsasalita ang mommy niya.

Sa Baguio ginanap ang kasal nina Michelle at Gen. Pimentel, at nabanggit pang may bahay daw roon si Lito Lapid at alam ni Ysabel kung saan.

Continue reading below ↓

Pero mas gusto raw niyang mag-stay sa hotel na tinutuluyan ng mommy niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results