Yayo Aguila sa pagpapa-rehab ni Baron Geisler: "Sana, totoo na talaga!"

by PEP Troika
Apr 25, 2018

JERRY OLEA: Nagkasama sina Yayo Aguila at Baron Geisler sa Bahay ni Kuya (PBB Celebrity Edition 2) noong 2007.

Minsang nalasing si Baron ay hinalikan nito sa leeg si Yayo. Nakunan iyon ng kamera.

Bilang kaibigan ay binalewala iyon ni Yayo.


Ilang buwan nang tapos ang nasabing edisyon ng PBB, Abril 25, 2008 sa isang bar sa Makati City, may insidenteng namagitan kay Baron at sa anak ni Yayo na si Patricia.

Continue reading below ↓

Kinasuhan ni Patricia si Baron ng “acts of lasciviousness.”

Mula noon ay may iba pang mga babaeng inireklamo si Baron, hanggang sa kamakailan ay pumasok na ito sa rehab.

Nakita namin si Yayo sa prescon ng CineFilipino Film Festival nitong Abril 24, Martes, sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, QC.

Hiningan namin si Yayo ng mensahe para kay Baron ngayong nagseryoso na ito sa pagpapa-rehab.

Matamang pahayag ni Yayo, “Actually, may nakita akong post na parang nagpe-pray over him.

"Pero, ang akin lang naman... hindi pa rin kasi tapos yung kaso, although medyo tapos na siya...

"Ako naman, kung totoong nagbabago na si Baron, I’ll really be one of the many people who will be happy for you.

“Sana, totoo na ‘yan! Sana, totoo na ‘yan because you have... you have... ilang taon na. Sana, totoo na.

“Kasi, marami namang nagmamahal sa ‘yo. Huwag mong sayangin!

“Kasi, pag dumating yung araw na talagang walang-wala na, it will be really hard for you to bring yourself together.

Continue reading below ↓

“So, kung totoo na ito, sana, totoo na talaga! Totohanin mo na!”

Kasama si Yayo sa cast ng pelikulang Poon, isa sa walong official entries ng CFFF (Mayo 9-15, 2018).

Ipapalabas ang entries sa Gateway Mall, Ayala Mall at anim na sinehan ng SM (sa ilalim ng Cine Lokal).

Ang awards night ay sa Mayo 12 sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

NOEL FERRER: Ang sarap ngang kaintebyuhan ni Yayo kasi she is always pleasant and bubbly.

Nakakatuwa na she has reinvented herself and has become a reliable and awarded actress.

Naging best supporting actress pa nga siya sa Cinemalaya entry na Kiko Boksingero.

I talked to her about the Bagets reunion movie which they are all looking forward to.

The last time silang nag-usap-usap, si QC Mayor Herbert Bautista ang magpo-produce at agree silang lahat.

But that was the time when Direk Maryo J. de los Reyes and Jake Tordesillas were still around.

Continue reading below ↓

Ngayon, kailangan daw mag-regroup sila ulit para pagplanuhan na ang mangyayari sa kanilang reunion film.

Kaabang abang yun, di ba?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results