Mga artista, masisisi ba kung "raket lang" ang tingin sa mga pelikula?

by PEP Troika
Apr 26, 2018

NOEL FERRER: Tila sumabog ang galit ni Direk Jun Lana ngayon sa social media dahil sa sinasapit ng kanyang ginagawang pelikula, Ang Babaeng Allergic sa Wifi.

Kahit hindi pinapangalanan, magsilbi sanang paalala ito sa mga artista, managers, and handlers na sana bago magsimula ng kahit anong project, magkalinawan muna sa terms ng shooting, working hours, at mga seguesegue na commitments para walang maipit na mga kumpromiso.

Sayang dahil ang involved dito ay hindi pa naman ganun ka-established na mga stars, pero ayun, binibigyan na sila ng sakit sa ulo in terms of scheduling, cut-offs (na ok lang naman).

Pero yung segue na raket ang siyang ikinasabog ng premyadong direktor.

Sa ngayon, although committed naman si Direk Jun na tapusin ang project, tila nawawalan siya ng gana sa gusot sa schedule at kawalan ng commitment ng artista at handlers nito.

Sana ay magawan pa ng paraan, lalo pa’t matinding break ang ibinibigay nila sa mga upstart actors na kahit ang sarili nilang network ay hindi pa sila binibiyayaan ng ganung project.

Continue reading below ↓

Naku, naku, delikado kapag si Direk Jun ang magalit!


GORGY RULA: Ang isa sa mga artistang tinutukoy ni Direk Jun ay kinu-contact ko ang handler dahil meron nga sana kaming iraraket sa naturang artista para out of town.

Hanggang sa ngayon ay hindi ako sinasagot dahil nagkakagulo nga sila sa schedule.

Continue reading below ↓

Nakakaloka, baka masagasaan pa ang pelikula ni Direk Jun. Nakakahiya naman.

Agree naman ako sa kanyang hindi dapat niraraket lang ang pelikula.

Pero sa totoo lang, ang daming pelikula diyan na pinagbuhusan ng hirap, panahon, at buong-buong concentration ang isang project, flopey naman.

Mas kumikita pa yung ibang pelikulang papotso-potso lang ang paggawa.

Saka naiintindihan ko naman ang mga artistang may ginagawang pelikula at rumaraket on the side.

Dito sila sa raket kumikita nang husto dahil hindi naman sapat ang kinikita nila sa pelikula.

Siguro ang manager at handler na lang ang bahalang mag-ayos ng schedule na walang masasagasaan, lalo na kung naglalagare.

JERRY OLEA: Bumabagal ang shooting ng tinutukoy na pelikula.

Hindi pa kasi masyadong mahusay ang mga artista.

Nakakailang takes sila at rehearsals, kaya tutok si Direk Jun at hindi sila pinapabayaan.

'Tapos... mag-a-attitude ang mga hitod?!

Hello!!!

Good luck sa career ng mga atti! May kalalagyan kayo!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results