Mark Anthony Fernandez, nagpasalamat sa mga tumulong sa kanyang makabalik

by PEP Troika
Apr 28, 2018

GORGY RULA: Hindi napigilang maluha ni Manay Lolit Solis nang magkausap sila ni Mark Anthony Fernandez sa telepono nung Miyerkules ng hapon, April 25.


Nagkita kasi kami ni Mark sa tanggapan ng Dickies Philippines at kinumusta niya ang Ninang Lolit niya.

Hindi pa raw sila nagkita o kahit nagkausap man lang magmula nung nakalaya siya, kaya tinawagan namin si Manay Lolit para mag-usap sila.

Continue reading below ↓

“Acquitted ako, Ninang,” unang bati ni Mark sa talent manager/talk show host.

Ang yumaong ama ni Mark na si Rudy Fernandez ay dating alaga ni Manay Lolit.

Matagal-tagal din silang nagkausap at ibinalita ng aktor sa kanyang ninang na bukod sa pagsali niya sa FPJ's Ang Probinsyano, mayroon pa raw siyang pelikulang gagawin sa Viva Films.

Ang isa raw ay pagsasamahan nila ni Claudine Barretto, at ang isa ay remake daw ng pelikula ng yumao niyang ama na si Rudy Fernandez.

Hindi pa raw niya alam kung anong pelikula ito, pero sobrang excited daw siya.

Kaya puspusan pa ang pagpapayat ni Mark para maging fit daw ang kanyang katawan.

Bago natapos ang pag-uusap nila, pinayuhan siya ni Manay Lolit na mag-ingat na, at sana tuluy-tuloy na ang pagbabago niya at huwag sayangin ang lahat na tumulong sa kanya.

Nagpapasalamat si Mark Anthony dahil sa dami ng mga tumutulong sa kanya para makabalik lang.

Continue reading below ↓

Kaya nagbago raw ang pananaw niya sa buhay na kahit maliliit na bagay ay sobrang laki na raw ito sa kanya at paulit-ulit daw siyang nagpapasalamat.

Dagdag pang pahayag ni Mark Anthony, “Ang sa akin kasi ngayon, parang cool lang. Parang lahat ng bagay na-appreciate ko.

"Kahit nakaupo lang ako sa mall, nai-enjoy ko. Kahit anong bagay nai-enjoy ko, na parang excited ako. “

Hiningan na rin namin siya ng payo para kina JM de Guzman, na nagbabalik pagkatapos ma-rehab, at pati kay Baron Geisler na nasa rehab pa rin.

Sabi ni Mark, “Unang-una, kapit kay Lord. Laging magdasal, number one yun.

"Number two, kailangan mahalin nila ang trabaho nila, para mahalin din sila ng trabaho nila.

"Saka cool lang, relax lang.

"Kumbaga sa basketball, let the ball come to you."

JERRY OLEA: Nakakatuwa ang FPJ’s Ang Probinsyano sa pagkakaloob ng bagong pagkakataon kay Mark Anthony Fernandez.

Huwag sana siyang tumulad kay Julio Diaz, na matapos masali sa teleserye ni Coco Martin ay natuksong magdroga muli.

Continue reading below ↓

May puwang sa showbiz ang magagaling na artistang tulad ni Mark Anthony, kaya dalangin natin na huwag na siyang maligaw ng landas.

NOEL FERRER: Dahil medyo nawala si Alice Dixson sa istorya ng Ang Probinsyano, dahil sa biglang paglipad papuntang U.S. para mag shoot ng pelikula with Aga Muhlach, ang subplot nina Mark Anthony Fernandez, Edu Manzano, at Rowell Santiago ang pinatitingkad sa mga episode sa mga susunod na araw.

Masaya tayo kay Mark Anthony Fernandez, at tulad ng iba niyo pang panalangin ay malalabanan at malalagpasan na niya ang kanyang problema at mag-concentrate / mag-focus na lang siya sa sa pagpapa-establish ng brand niya bilang aktor.

Good luck and way to go, Mark Anthony!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results