Pilipinas Got Talent, Kapuso Mo Jessica Soho umariba sa ratings noong Linggo

by PEP Troika
May 1, 2018

JERRY OLEA: Base sa NUTAM overnight ratings ng AGB Nielsen noong Linggo, Abril 29, waging-wagi ang grand finals ng Pilipinas Got Talent.


Umariba tuloy ang pag-uumpisa ng Rated K na katapat ang last minute ng Lip Sync Battle.

Pero pagpasok ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ligwak ganern na sa ratings ang programa ng Kapamilyang si Korina Sanchez.

Continue reading below ↓

Pati I Can See Your Voice ay nasagasaan ng KMJS.

Pinataob muli ng Sunday PINASaya (12.5%) ang ASAP (10.2%).

Panalo ang Wansapanataym ng ABS-CBN kontra sa kasabayang bahagi ng 24 Oras at Daig Kayo ng Lola Ko ng GMA-7.

Knockout ang Stories for the Soul ni Manny Pacquiao na katapat ng Camp Sawi sa Kapamilya Mega Blockbusters.

Maging ang The Atom Araullo Specials ay sawi noong katapat nito ang huling bahagi ng pelikulang Camp Sawi.

Wagi ang special ni Atom nang kasabay nito ang TV Patrol Weekend at Goin’ Bulilit.

Konti lang ang lamang ng Dear Uge (10.1%) sa Banana Sundae (9.6%).

NOEL FERRER: It was a big day for ABS-CBN Primetime kagabi dahil Grand Finals ng Pinoy’s Got Talent, na nakakuha ng major audience share as expected.

Pero the big winners ng GMA-7 ay ang major effort ng The Atom Araullo Specials na ang lesson learned ay di na dapat itapat sa movie slot kundi sa kauri niyang news-related show dahil nagwagi siya over TV Patrol and Goin' Bulilit.

Continue reading below ↓

Grabe ang effort ni Atom at ng team niya sa pag-akyat ng dalawang almost unexplored na bundok sa Pilipinas.


Pero ang masigabong palakpakan ay dapat ibigay sa Team ni Jessica Soho dahil sa makabuluhang mga kuwento nila sa programa kagabi, lalo na yung nakakaiyak na reunion ng anak na si Connie na taga-Belgium at inang si Lelia na taga-Pinas.

Continue reading below ↓

Grabe ang research na umabot sa pagpapa-DNA test pa nila at ang pagkikita nila sa Pinas.


Sa ingay sa social media ng naganap na gap nina Kris at Korina over the episode of Rated K last weekend, nakita ang masusing research na ginawa ng team ni Jessica nang hindi siya bumida at naki-epal.

Continue reading below ↓

Ang husay talaga at pati ako’y napaiyak sa ginawang true-to-life na drama na hindi pilit at natural na natural na umusad lang.

Sana marami pang ganitong magaganda at positibong moments sa TV sa panahon ngayon! Bravo!!!

GORGY RULA: Sa totoo lang, nakikita mo naman talaga ang sincerity sa mga istoryang pinapalabas ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Pero gusto pa rin ng mga manonood ang mga kontrobersyal na kuwento gaya ng kay Xander Ford ng Rated K.

Kaya huwag na sana ratings ang labanan. Ang ganda ng kuwentong pinapanood tuwing Linggo ng gabi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results