Matteo Guidicelli, mapunuan kaya ang emptiness na nararamdaman ni Sarah Geronimo?

by PEP Troika
May 1, 2018

JERRY OLEA: “Keep walking, I’ll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you.”

Iyan ang post ni Matteo Guidicelli nitong Abril 30, Lunes, 10:39 PM matapos kumalat ang YouTube video kung saan lumuha at panay-panay ang hugot ni Sarah Geronimo sa This 15 Me concert nito sa Las Vegas, Nevada.

Afterwards ay hindi natapos ni Sarah ang pag-awit ng hit song niyang "Forever’s Not Enough."

E, last week, tinanong pa namin si Matteo sa presscon kung naniniwala siya sa tagline ng Single/Single movie nila ni Shaine Magdayao na "Love Is Not Enough."

Sagot ni Matteo, “When it’s young love, you really think love is the only whole thing, love is the answer to everything.

“But once you grow in wisdom and experience, through the years, you realize... love is a big part of everything but there’s an extra 10% of the 100%, and it’s more than love...

Continue reading below ↓

“I don’t know, you can’t explain it, e.

“I always say love can be the worst and the best thing in life. It can bring you up to the highest, or down to the lowest kumbaga.

“So, I think a balance of love and reality is very, very important.

“So, back to the answer, is love enough? 90% love, 10% something else. I don’t know what it’s called...”

NOEL FERRER: Such post was accompanied with pictures of Matteo and Sarah nung magbakasyon sila noong Holy Week kasama ang pamilya ni Matteo.

Lubos na ikinatuwa ng mga tagasuporta nina Matteo at Sarah ang ginawang public profession of love ni Matteo, na mukhang ngayon lang nangahas maglagay ng public post pagkatapos sabihin ni Sarah sa Las Vegas leg ng concert tour niya ang “I feel empty,” sabay di mapigilang iyak.

Maaaring pagod lang talaga si Sarah dahil sa sunud-sunod na performances.

Pero may kaibigan akong nakapanood ng concert na iyon sa Las Vegas at nagsabing sakdal-husay at grabe ang showmanship at vocal dexterity na ipinamalas ni Sarah sa kanyang performance.

Continue reading below ↓

Kesehodang pagod si Sarah, sulit daw ang ibinayad ng mga tao sa tickets na talaga namang kahit may kamahalan ay soldout talaga!

GORGY RULA: Pinutakti ng mga pagbati sa Instagram account ni Mark Bautista na karamihan ay nakapanood ng concert sa Las Vegas.

Naintindihan daw nila si Sarah kaya lalo raw nilang minahal ang Pop Princess. Kahit malayo raw ang ibiniyahe nila, sulit na sulit daw ang ibinayad nila.
Naintindihan daw nila ang pagod ni Sarah at sana magpahinga na raw muna ito.
Pero makakapagpahinga pa kaya si Sarah dahil marami pa siyang nakatakdang concert. Meron pa siya sa Chicago, Illinois sa May 4, at Sa New York sa May 6.

Pagbalik ng bansa, meron pang naka-schedule na This 15 Me concert niya sa June 30 sa Davao, at sa September sa Iloilo, November sa Batangas at December sa Baguio. Magagawa pa kaya niya ito lahat?

Sa pagbibigay ng magandang assurance ni Matteo sa kanya, we hope na hindi na maramdaman ni Sarah ang emptiness sa gitna na kapaguran.

Continue reading below ↓

Malaking luwag din siguro ng loob niya kung, finally, magiging okay na sa mga magulang niya ang pakikipagrelasyon kay Matteo as they can openly work na for integration to each other’s families.

After all, they are already of age.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results