Aktres, imbiyerna sa stylist at wardrobe assistant ng weekly show niya

by PEP Troika
May 3, 2018

GORGY RULA: Sirang-sira ang araw ng magaling na aktres dahil sa mga nakakatrabaho niyang kinaiiritahan niya.

Bida si aktres sa weekly program nito sa isang malaking TV network na tini-tape niya linggu-linggo.

Nagtataka ang production staff ng show bakit laging mainit ang ulo ng aktres at talagang mabigat ang dugo sa stylist pati sa wardrobe assistant.

Sa taping nga raw nito kamakailan, wala na sa mood na dumating si aktres sa studio at lalong uminit ang ulo nang nakita si stylist.

Sinasabi pa raw niya harap-harapang kung puwede lang hindi na niya suotin ang damit na ibinibigay ni stylist.

Si wardrobe assistant na lang ang lumapit kay aktres na iritable pa rin nung oras na yun.

Pagkatapos siyang bihisan, may pinasuot si wardrobe assistant na bangles kay aktres.

Kaya lang, nung ini-lock na niya ang bangles sa braso ni aktres, naipit ang balat nito.

Napasigaw si aktres sa sakit. Lalong tinalakan si wardrobe assistant.

Continue reading below ↓

Paulit-ulit na nagsu-sorry si wardrobe assistant, pero hindi matanggap ni aktres dahil gumaganti raw si wardrobe assistant.

Itinanggi naman ito ng huli. Bakit naman daw siya gaganti.

Pinipilit pa rin ni aktres na gusto lang siyang gantihan ni wardrobe assistant.

Pinapalayas na ni aktres si wardrobe assistant. Tinatalakan na ayaw na niyang makita ulit ang stylist at wardrobe assistant. Huwag na raw magpapakita sa kanya.

Hindi lang kami tiyak, pero may narinig pa kaming kuwentong pinapatanggal na raw ni aktres ang stylist at wardrobe assistant na kinaiiritahan niya.

Pagkalipas ng ilang minuto, kumatok ang isang staff ng naturang show. Sa utility raw ito na humihingi pala ng abuloy kay aktres.

Namatayan daw siya at may bitbit pang kapirasong papel, na hindi lang sure ang aming source kung death certificate ba yun. Basta sinasabi niyang namatayan daw siya.

Lalo raw nagpanting ang tenga ni aktres nang narinig niyang hinihingan siya ng abuloy.

Tinilian daw niya ang utility na bakit siya pa ang hiningan. Bakit hindi raw ito umakyat sa mga executive at mag-request.

Continue reading below ↓

Sinagot daw siya ng utility na mahirap kung idaan pa sa taas. Marami pa raw requirements at kung anu-ano pa.

Kaya dumiretso na lang daw siya sa mga nakakatrabaho niya kung gusto nilang magbigay.

“Bakit hindi ka humingi sa staff? Sa akin ka pa talaga humingi?” tili raw ni aktres.

Wala kasing kamalay-malay ang utility na mainit ang ulo ni aktres bago siya pumasok.

Kaya sinabihan na lang daw niya ang aktres na kung ayaw nitong magbigay, okay lang. Aalis na lang daw siya.

Pinaalis na raw ito ng aktres na lalong uminit ang ulo.

Nasa menopausal stage na kaya itong si aktres, bakit ganun na siya kasungit lalo na sa mga katrabaho niya?

Di ba, friend mo siya, Sir Noel?

JERRY OLEA: Nakaka-heatstroke daw ang init sa mga araw na ito dahil sa equinox phenomenon.

Pero sa aming pananaliksik, noong Marso 21 pa nag-equinox sa Kamaynilaan, at ang isa pang equinox ay sa Setyembre pa.

Continue reading below ↓

Kaya pakiwari namin ay fake news o hoax ang mga hanash na iyan sa equinox phenomenon ngayong Mayo.

Pero ramdam na ramdam namin ang lagablab ng tag-araw, na sadyang nakakapag-init ng ulo.

Baka naman kaya nagsusungit ang magaling na aktres ay dahil china-channel niya ang inner Sarah Geronimo—pagod at hungkag ang kalooban?

Ano na ba ang nangyari sa love life ng aktres?

NOEL FERRER: There are good days and there are bad days.

Mukhang kailangan nilang mag-usap kapag malamig na ang kanilang mga ulo, at mas maaayos at masosolusyunan ito kapag sila ang mag-uusap kaysa sa ikalat ito sa media at magsiraan pa sila sa mata ng ibang tao.

Kung nagbubunyi tayo sa mga balitang pag-aayos nina Jackie Forster at ng mga anak nito, hindi ba’t mas makakatulong kung may mamamagitan dito, tulad ng EP o pamunuan ng show at departamento para palabasin ang kabutihan ng bawa’t panig?

Sana...

At sana, hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Hindi maganda...

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ewan ko kung ano ang problema ng babaeng ito.

Narinig pa nga ng isang staff na sinabi raw niyang mainit daw talaga ang ulo niya.

Sabi pa niya, huwag daw siyang biru-biruin ng guwapong aktor na kasama niya sa show at baka makatikim pa raw ito.

Hindi naman daw sila close kaya huwag daw siyang mabiro-biro. Yun na!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results