Liza Diño, kinilig sa tanong ni Ice Seguerra kung bakit maganda pa rin siya kahit busy

by PEP Troika
May 4, 2018

JERRY OLEA: Si Ice Seguerra ang huling nagtanong kay FDCP Chair Liza Diño sa media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino nitong Huwebes, Mayo 3, sa Max’s restaurant, Sct. Tuazon St., Quezon City.


Masuyong tanong ni Ice sa kanyang partner, “Siyempre, di ba, Chair Liza, ang dami mong ginagawa, ang dami mong programs and everything, ‘no?! Ba’t ang ganda-ganda mo pa rin?”

Continue reading below ↓

Ang tamis ng ngiti ni Liza na kilig-kiligan, “Kasi, I have you... I have your support!”

Nagpalakpakan ang mga naiwan sa presscon at kinantiyawan sila.

Valentine’s Day ba ito?

Afterwards ay nagpalitrato silang magkatabi.

Nakatingala si Ice at itinuro si Liza, “Reyna Elena.”

Itinuro ni Ice ang sarili, “Constantino.”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: #LoveWins

GORGY RULA: May iri-release nga sa susunod na buwan si Aiza (Ice) sa Spotify na single niya, ang "Ikaw Lang," na siya ang nagsulat.

Tinanong namin kung sino ang inspirasyon niya sa kantang ‘yan.

“Siyempre asawa ko! Sinulat ko 'yan nung magkaaway kami.

“Medyo nagkakalabuan kami, 2013 pa 'yang song na 'yan.

"Ngayon lang lumabas," nakangiting sagot ng dating National Youth Commission Chairman.

Nandiyan pa rin daw ang plano nilang magka-baby ni Liza, pero sobrang busy lang daw ngayon ng asawa niya kaya hindi pa niya alam kung kailan matutuloy ang baby.

“We’re leaning ngayon… in terms of IVF, parang sobrang busy niya ngayon, e.

"I don’t know if it’s possible within the next three years.

“Naiisip din namin yung adoption. We’re looking at many options,” pahayag ni Ice.

JERRY OLEA: Sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino last year, may "Sine Kabataan" component doon ang NYC (National Youth Commission) na pinamunuan ni Ice Seguerra.

Continue reading below ↓

Short films iyon para sa amateur filmmakers.

Dahil nag-resign si Ice sa NYC, in-absorb ng FDCP ang "Sine Kabataan" na open sa amateur filmmakers na 15-30 years old.

Ang running time ng entry rito ay 2 hanggang 5 minuto.

Bawat short film ay iha-hard lock sa unahan ng walong official feature entries na ipapalabas sa Agosto 15-21 sa halos 900 sinehan ng bansa, maliban sa specialty cinemas (IMAX, Director’s Club, 4DX, A-Giant at Gold Class screens).

Ang PPP ay kaugnay sa Buwan ng Wika.

Sa Agosto 19 ang Thanksgiving Night nito, kung saan ihahayag ang Audience Choice Award, Critics’ Choice Award, at Special Jury Prize.

Last year sa PPP, itinampok ang mga festival ng Luzon.

This year, mga fiesta naman ng Vizayas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results