Sikat na celebrity, nawindang sa presyo ng bahay na pinagbihisan para sa kasal ng mga kaibigan

by PEP Troika
May 4, 2018

JERRY OLEA: Hindi makalimutan ng isang sikat at magandang celebrity ang bahay na pinagbihisan niya sa isang event kamakailan.

Naimbitahan ang magandang celebrity sa bonggang event ng dalawang kaibigan sa isang yayamaning lugar.

Sandamukal na iba pang celebrities ang naanyayahan sa pagtitipon.

Nag-eroplano ang mga bisita pagpunta sa venue.

Ilang oras bago ang main event, dumating doon ang sikat at magandang celebrity, na pangabog ang dalang outfit.

Pagdating sa yayamaning lugar, nawindang ang magandang celebrity na wala palang nakalaang bahay para sa kanya kung saan magpe-freshen up siya at magbibihis.

Nagawan iyon ng paraan.

Naihanap agad siya ng pagbibihisang bahay.

Wow! Ang ganda-ganda ng sikat na celebrity sa nasabing piging. Namumukod-tangi ang kanyang ganda.

Pero heto ka... sinisingil si magandang celebrity ng may-ari ng bahay na pinagbihisan niya.

Akala ni magandang celebrity ay sagot iyon ng dalawang kaibigan na bida sa event at nag-imbita sa kanya.

Dahil mahal niya ang dalawang kaibigan at kapamilya ang turing niya sa mga ito, umokey ang magandang celebrity na sa kanya i-charge ang bahay kung saan nagpahinga siya sandali, nag-ayos, at nagbihis.

Continue reading below ↓

Muntik nang suminghal at pumadyak ang sikat at magandang celebrity nang malaman kung magkano ang bill...

P100,000!

NOEL FERRER: Mas mahal pa sa renta sa isang location ng isang araw ang ibinayad sa lugar na pagbibihisan, grabe naman!

Diyan naman talaga lalabas ang halaga ng closeness ng guests sa mga ikakasal.

Pero kung alam lang nila na ganun kamahal, hindi kaya ninais ng mga ikinasal na ibinigay na lang sa kanila bilang regalo ang ipinambayad na P100k sa bahay na pinagbihisan? Grabe naman talagang kamahal nun!

GORGY RULA: Hindi lang naidetalye kung bakit umabot ng P100,000.

Pero nag-overnight naman yata siya roon kaya baka yun na ang bill na siningil sa kanya.

Siyempre mahal talaga dun, kaya asahan nang maglalabas talaga siya ng datung.

Hindi nga lang siguro naayos ng showbiz couple ang mga ganung bagay dahil ang narinig nga natin, umutang na nga raw si aktor sa mga close friends.

Continue reading below ↓

Kaya puwede nang palagpasin yun alang-alang sa friendship.

Barya lang 'yang P100,000 sa celebrity na 'yan dahil super dami naman niyang pera.

Di ba, aminado naman siyang marami siyang datung, kaya lang sad pa rin daw siya?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results