Titulo ng bagong teleserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN, baklang-bakla

by PEP Troika
May 4, 2018

NOEL FERRER: Magbabalik na sa paggawa ng teleserye ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.

Ginanap kanina, May 4, ang storycon ng kanyang bagong proyekto sa ABS-CBN na may working title na Starla under Dreamscape Entertainment.

Today in #StarlaStorycon

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Ginawa na rin itong advanced birthday celebration para kay Juday who will turn 40 this May 11.

Isang inspirational teleserye ang magiging comeback project ni Juday, na ang huling teleserye ay Huwag Ka Lang Mawawala noong 2013 pa.

After having a box-office movie under her belt sa Ang Dalawang Mrs. Reyes, at meron pa siyang nakabangkong project with Direk Brillante Mendoza na Bayang Magiliw, babalik na ang reyna sa trono niyang bilang Teleserye Queen na Starla.

JERRY OLEA: May arrive ang titulong Starla, huh?!

Parang pinaghalong “star” at “bakla.”

Basta, hindi siya synonymous sa “starlet.”

Antabayanan natin ang mga ganap sa pagbabalik-teleserye ng Reyna!

GORGY RULA: Baklang-bakla ang title, ha?

Sino kaya ang leading man niya? Sa nakikita natin, nandiyan sina Joem Bascon, Michael de Mesa, at Joel Torre.

Continue reading below ↓

Iba na siguro ngayon ang working habit ni Judy Ann sa taping ng isang teleserye dahil marami nang kunsiderasyon.

May tatlong anak pa siyang sinusubaybayan at asawang aalagaan. Kaya curious ako kung ano ang cut-off niya at kung may mga limitasyon ba.

Tiyak na mabubuhay na naman ang mga Judy Ann fanatics na solid pa rin at todo ang suporta sa kanya.

Kahit magiging abala siya sa teleserye, sana nandiyan pa rin ang cooking show niya sa YouTube, dahil nakikita namang nag-e-enjoy siya talaga sa pagluluto.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results