Mother Lily, umiinda sa hatian ng movie producers at gobyerno sa buwis ng local films

by PEP Troika
May 5, 2018

JERRY OLEA: As of May 3, Thursday, ang worldwide gross ng Avengers: Infinity War ay $905M na.

Ang domestic gross nito ay $338.3M, samantalang ang international gross ay $566.7M.

Ipapalabas ngayong Mayo sa Pilipinas ang Deadpool 2 (Mayo 16) at Solo: A Star Wars Story (Mayo 23).

Siyempre, inaabangan din ng local moviegoers ang Incredibles 2 at Jurassic World: Fallen Kingdom na parehong ipapalabas sa Hunyo.

Kaya good luck sa mga pelikulang Pinoy na magsu-showing ngayong Mayo: My 2 Mommies, #SquadGoals, Kasal, Citizen Jake, So Connected, at sa entries ng CineFilipino Film Festival.

Bago mag-umpisa ang presscon ng So Connected noong Thursday night sa Valencia Mansion, Q.C., inusisa ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ang showbiz press kung ano ang dapat gawin para sumigla ang local movie industry.


Continue reading below ↓

Asam ni Mother Lily na mabawasan sana ang buwis ng gobyerno sa mga pelikula.

Himutok pa ng Regal producer kaugnay sa hatian ng kita ng pelikula, “I heard it’s going to happen, the theater owners will lessen the percentage of the share [for movie producers].

“Dati, noong kasikatan ng movies, 60/40... 60 [percent] tayo [movie producer], 40 [percent] sila. Ngayon, 50/50 [ang hatian].

“Now, ibabaligtad nila. Sila ang 60 [percent], tayo ang 40 [percent].”

Bakit kaya sa edad ni Mother Lily at sa dami ng kanyang pera ay nagwu-worry pa rin siya para sa local movie industry

Mabilis na sagot ng Regal matriarch, “Well, passion. It’s still passion.

"Pag wala kang passion diyan, Diyos ko, talagang nakikita mo araw-araw... Tsh! Tsh! Tsh! Tsh! Tsh!”

NOEL FERRER: Hindi na talaga biro ang pagpu-produce ng pelikula ngayon.

Kaya naman naiintindihan ko ang pagtitipid ng mga producers dahil sa hindi patas na hatian at kompetisyon na rin.

Continue reading below ↓

Sana lang makahanap ng balanse ng tamang halaga sa magandang kuwento at sining sa produkto at komersiyo.

I wonder talaga—kung ganito na ang kinasasapitan ng mga sinehan at producer, financially viable din sana ang mga micro-cinema tulad ng mga Cinema Centennario, atbp.

GORGY RULA: Sa kabila ng mga ganitong problema, tuloy pa rin sa paggawa ng pelikula dahil kailangan buhay pa rin ang ating movie industry.

Kaya mabuti na rin itong mga iba’t ibang film festivals dahil naeengganyo ang mga producers na gumawa pa ng pelikula.

Sa May 9 hanggang 15 ang Cine Filipino at ang Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP ay sa August 15-21 naman.

Sana tulung-tulong tayong ma-promote ito nang mabuti para maiparating sa lahat na posibleng tatangkilik sa mga pelikulang kalahok.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results