Docu filmmakers, bibigyan ng suporta ng FDCP sa pamamagitan ng SineSaysay

JERRY OLEA: Inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang finalists ng SineSaysay Documentary Film Lab and Showcase nitong Mayo 7, Lunes ng hapon, sa Max’s, Sct. Tuazon St., Quezon City.


Sabi ni FDCP Chair Liza Diño, “Documentary films have formed part of our collective consciousness, highlighting very relevant social issues and even inspiring real change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is high time that we actively support the production of more of these types of films.”

Ang walong finalists sa Bagong Sibol Documentary Lab ay ang mga sumusunod:

Ang Huling Kaharian ni Bryan Kristoffer Brazil
Mga Bayaning Aeta ni Donnie Sacueza
El Caudillo ni Khalil Joseph Bañares
Patay Na Riles ni John Christian Samoy
A Memory of Empire ni Jean Claire Dy
Dr. Jose N. Rodriguez — A Filipino Leprologist’s Journey ni Micaela Francesca Rodriguez
Noong, Sa Aming Pagkabata ni Darlene Joanna Young
Kachangyan Wedding Redux nina Lester Valle & Carla Ocampo

Ang Bagong Sibol finalists ay bibigyan ng P100,000 bilang seed money para i-develop ang 10 to 20-minute version ng kanilang project.

Ipi-pitch ang walong finalists, at dalawa sa mga ito ay pagkakalooban ng P700,000 para iprodyus ang feature versions ng ng mga proyekto.

Para sa Feature Documentary Showcase, apat na filmmakers ang tatanggap ng P1M co-production grant.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Untitled Project ni Cha Escala
Daan Patungong Tawaya ni Kevin Piamonte
Looter ni Jayson Bernard Santos
Heneral Asyong ni Victor Acedillo

Ang SineSaysay films ay magpe-premiere sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

GORGY RULA: Excited si Liza sa proyektong ito dahil ang documentary film daw kasi ang hindi talaga napapansin.

Hindi katulad ng feature films na marami nang venue para magamit ito, at meron talagang pondong nakalaan para sa mga ito.

Sabi pa nga ni Liza, “First time na magbigay ng production grant, and siyempre ang pinakamagandang unang hatid namin sa production diyan ay ang documentary support, kasi talagang underserved sila.

“Hindi sila masyadong nabigyan ng opportunity para makahanap ng fundings.

"Hindi katulad ng feature films na may anim tayong local film festivals na talagang taun-taon nagbibigay ng funding sa mga feature films.

"Pero ito, wala talaga masyado sa documentary.”

Dito sa SineSaysay, bahagi rin ang mga kilalang personalidad sa film industry para maging mentor sa mga bagong filmmakers na nasa Bagong Sibol category.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi rito bilang mentors ang producer, writer at cinematographer na si Ditsi Carolino; journalist at independent filmmaker na si Joseph Israel Laban; screenwriter, director, at producer ng pelikulang Respeto at Apocalypse Child na si Monster Jimenez; at ang award-winning director ng pelikulang Women of the Weeping River na si Sheron Dayoc.

Sa dami ng mga proyektong pinagkakaabalahan ngayon ni Liza, naisisingit pa rin naman daw niya ang oras sa pamilya niya, lalo na kay Ice Seguerra.

Pinag-uusapan na nga raw nila ngayon ang magka-baby, para matupad ang hiling ni Mommy Caring na magka-apo mula kay Ice.

Saad ni Liza, “Siguro lalo pa ngayon na balik-private si Ice, di ba? Baka pag-uusapan namin ulit kung paano namin planuhin na magkaroon ng anak.

“I would want to fulfill na rin ang request ni Mama Caring sa amin na gusto niya talagang you know…maka-experience na may anak si Ice at sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Maganda at napagtutuunan ng pansin ang kahalagahan ng documentaries dito sa atin.

Ang maganda pa rito, hindi lang ang paggawa at pagpapalabas ng docus ang maganda sa proyektong ito kundi ang proseso—ang mentoring, ang educational component sa pagbubuo nito.

Sana talaga marami pa ang magka-access sa wide commercial release na mga documentaries— hindi lang sa TV at sa mga festivals.

It’s a genre that is really worth exploring and supporting!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close